dumi

Sakay ng bus kaninang umaga, ako ay nag-iisip kung ano ang pwede kong ipaskil para sa tema ngayon…pagtingin ko sa labas, nakita ko ang perpektong litrato…Ito! Bakit kamo? Naging gray ang litratong ito dahil sa alikabok na animo’y mantsa na dumikit sa bintana. Ganito ang nangyayari kapag umuulan ng niyebe ng sunod sunod, pero maliban doon ay malinis naman.

Sa baba, makikita ang isang salagubang na nagpupumilit magtago, mahiyain kasi ayaw magpapiktyur kaya ayan, pwet na lang ang nahagilap! πŸ˜€ Happy LP!

bug (Nakatulog ako paggagawa ng entry, ayan late tuloy.)

Para sa ibang lahok, click here.

Share