Pages Navigation Menu

Mix of motherhood, writing, photography and homemaking

Malaki (Big)

Posted by on Sep 7, 2011 in Litratong Pinoy | 7 comments

Ganito ang usapan namin ni bunso noong nakaraang taon:

D: Mama, anlaki ko na no? (Mom, I’ve grown bigger no?)

G: oo, malaki ka na kaya hindi ka na baby, kukuha na lang kami ng baby, yun maliit pa para papalitan ka na. (Yes, you’ve grown and you’re not a baby anymore, that’s why we’re gonna get another baby, a small one to replace you…) — jokingly of course.

PAUSE.

.

.

D: aber (but) si daddy mas malaki sakin di ba? (But Daddy is bigger than Iam, right?)

Kung nakaupo ako noon, malamang nahulog ako. (I would have fallen off if I were sitting on a chair.)

 

Totoo naman na lumaki na si bunso, limang taon na siya at kabilang na siya sa mga batang Vorschulkinder sa kanilang Kindergarten, ibig sabihin ay papasok na sila sa eskwelahan sa susunod na taon. Kumbaga ngayon ay nag-aaral na sila ng mga bagay-bagay gaya ng kulay, hugis, pangngalan at pagsusulat kahit kaunti lamang. Hindi gaya noon na puro laro lamang.

Lumaki na nga siya, ang hilig kasi kumain ng macaron kaya ayun, tumaba ng tumaba. lol

for Litratong Pinoy. HappyLP!

Read More

Tumba (Fallen)

Posted by on Jun 15, 2011 in Litratong Pinoy | 5 comments

Kung isa ka sa mga kaibigan ko sa Facebook malamang na nakita mo na ang mga litratong ito na madalas kong ina-uupdate. Lalo na kapag ang aking bunsong anak ay nagsisimula ng matumba ang ulo kahit saan dahil sa kaantukan. 😀  Ika nga, walang pinipiling lugar, walang pinipiling oras….

If you are my friend on Facebook then you’ve probably seen these photos that I update once in a while…well, when my son’s head falls down anywhere because of sleepiness. He’s been like this even before. He would give in to sleep no matter where and when.

A post for LitratongPinoy.

Read More

Liwasan (Square)

Posted by on May 25, 2011 in Litratong Pinoy, Travels, Venice | 5 comments

 

Noong isang linggo ay maaamoy ang kung anong mabaho nagmumula sa labas ng aming bintana. Maririnig din ang mga ibong parang nagsasabong sa kaingayan. Nag-imbestiga ako kung ano ba ang mayroon at laking gulat ko ng nakita ko ang mga kalapati na namugad sa aming balkon. Ang mabahong amoy ay galing sa sulok ng bintana kung saan tumatambay ang inahing kalapati, syempre pa ay umiipot ito at naipon na doon.

Hindi naman maaaring iparenta sa mga ibong ito ang aming balkon kaya pinaalis namin sila at nilinis na namin ang pinagpugaran. Pasensiya na ayokong magkasakit ang aking mga anak sa dala nilang sakit. 🙁 Masaya naman ang mapaligiran ng mga kalapati lalo na kung sa isang malaking liwasan gaya sa larawan. Ito ay sa Piazza St. Marco, Venice na kagaya ng ilan pang liwasan sa ibang bansa ay pinagpapasyalan di lamang ng turista maging mga kalapati din.

Madalas sinasabing wag papakainin ang mga ibong ito dahil sila din naman ang nahihirapan, sa dami ng pagkain nila ay nahihirapan na silang lumipad at pagdating ng taglamig ay natutuluyan ng manigas sa kabigatan. Gayunpaman ay di maiiwasan lalo na ang mga bata na pakainin sila.

Happy LP! Click here for more.

Read More

Alagang Hayop (Pet)

Posted by on May 17, 2011 in Litratong Pinoy | 9 comments

Bago ko pa man nakilala si Moks (short for Mokong) ay mahilig na siyang mag-alaga ng mga isda. Mga tubig-alat na isda ang alaga nya noon at mga kakaiba ang hitsura. Mahilig din ako mag-alaga ng isda pero di kasingtiyaga nya. Kaya naman ngayon na mayroon kaming makukulit na bata ay isda lang din ang pwede namin alagaan. Sabi nila, hindi ito maituturing na pet dahil hindi nahahawakan. Ganun pa man naalagaan pa din, ito ay isang Yamabuki Ogon at isang Inazuma Kohaku. Marami na din kaming naging alagang isda sa mga nakaraang taon…

Malawi cichlids, 2006-2007.

Arowana, 2006 – 2010. Plecostomus-given in 2007 still alive.

 

Oscars – 2007 -2010
Smaller cichlids with puffer fish – 2005-2006

A post for Litratong Pinoy.

Read More

Makina (Machine)

Posted by on May 11, 2011 in Litratong Pinoy | 6 comments

Kiev Tunnel

Sabi ni pareng wiki, “A machine is a device that uses energy to perform some activity. In common usage, the meaning is that of a device having parts that perform or assist in performing any type of work. A simple machine is a device that transforms the direction or magnitude of a force.

Matagal na tayong umaasa sa mga makina…Isa na sa inaasahan natin ang makina ng sasakyan. Talaga namang nakakainis kung masisira ang makina ng ating sasakyan habang tayo ay nasa kalagitnaan ng pagbibiyahe. Pero sa litratong ito, mabuti nang huwag maayos ang makina ng tren dahil mas delikado. Happy LP!

Read More

Alikabok/Dust

Posted by on May 4, 2011 in Litratong Pinoy, Texture Lovin' | 7 comments

An idea can turn to dust or magic, depending on the talent that rubs against it.
-William Bernbach

Natutuwa akong mag-edit ng mga litrato. Gaya nito na nagkaroon ng parang alikabok at nagmukhang luma na.

Bakit nga ba ngayon ko lamang natutunan ito? lol. Happy LP!

Read More