Klamotten

Babes With Babies

Road/ Kalye

Posted by on Apr 27, 2011 in bible, Featured, Litratong Pinoy | 9 comments

Kalye/Calle/Street/Strasse/Gairo

Years ago I was alone looking for the right path on my own. I got lost as someone ignorant would. It wasn’t until you came and you held my hand that I found that track…it’s not easy and it hurts most of the time but I know I’m not walking alone. I know too that you will fulfill your promise, for at the end of that road is the paradise that we all once lost.

Matthew 7:13 “Go in through the narrow gate; because broad and spacious is the road leading off into destruction, and many are the ones going in through it; 14 whereas narrow is the gate and cramped the road leading off into life, and few are the ones finding it.

IMG_2809

Matalinghaga mang maituturing, kakaiba man kung titingnan, ang daan na aking nilalakaran ay hindi ang aking nakagisnan. Dumarating ang mga panahong napagtatawanan pero di ko iyon alintana.

Patuloy akong nanghahawakan sa kanyang salita: John 8:31 Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

Para sa:

Incoming search terms:

  • kalye
  • trabaho na makikita sa kalsada
  • tamang gawain
  • taho logo
  • pinoy artist naninigarilyo
  • narrow is the gate
  • naglilinis sa kalye
  • Mga tao na naglilinis sa mga kalye o sa mga daan?
  • mga naglilinis\
  • mga litrato ng mga nagtatanim

Read More

Lata / Can

Posted by on Jan 12, 2011 in Litratong Pinoy | 8 comments

ped bike
19 March 08
Hindi ako naninigarilyo. Ayoko din ang amoy nito lalong lalo na sa malamig na umaga na preskong presko ang simoy ng hangin…naku pag nalanghap ko ito sa taong sumakay ng bus, nauubo talaga ako. Hindi naman ako maarte…hindi ko lang talaga makaya…alam ko kung bakit mahirap alisin ang bisyo na ito pero di ko pa din maintindihan minsan kung bakit ang mga naninigarilyo ay may pagka-makasarili….kasi nga sarili lang nila ang naiisip hindi ang iba. Sariling kaluguran lang nila at hindi ang kalusugan ng iba.
Naging matindi ang pag-ayaw ko sa sigarilyo at amoy nito dahil sa ang anak ko ay may bronchitis. Sigarilyo ang isang sanhi nito…madalas pa din siyang sinusumpong at nung huling uwi nga namin para magbakasyon ay nag-level up pa sa asthma.
Hindi naman lahat ng naninigarilyo ay inconsiderate. Mayroon din namang mga nagkukubli at naninigarilyo sa kung saan walang tao. Tinatapon ang mga upos sa tamang tapunan. Yun nga lang nakakarami pa din ang hindi. Gaya ng lata na ito na makikita karaniwan sa siyudad, ang sindi ay pinapatay sa nakausling tubo tapos ay itinatapon sa lata.
Paminsan ay may mga taong hindi masyadong pinapatay ang sigarilyo…at dahil ang basurahan ay tinatapunan din ng ibang bagay na hindi naman dapat ay sumisindi ito…maniwala kayo talaga namang nakakainis ang amoy ng nasusunog na sigarilyo, basura, papel at plastik.
Minsan naman ay mayroong mga naninigarilyo na humithit pa bago sumakay ng bus…bawal ang manigarilyo sa bus kaya naman sa huling hithit at buga ay itinatapon na lang sa sahig…kadalasan nga yung buga ay haharap sila palayo sa pinto pero wag ka…dahil sa hangin papasok pa din sa loob…patawa!
—-
I don’t smoke. I don’t like the smell of smoke especially on an early fresh morning. Unfortunately, smokers tend to smoke more when it’s cold. So it can happen that a person getting in the bus has just finished smoking and of course, the smell stuck to his/her jacket would be so strong, I cough. :(
What’s so sad too is most smokers tend to be inconsiderate and selfish. (There are those who aren’t but those inconsiderate outnumber them tenfold.) They only think of themselves, do what they want without thinking of the hazards it will bring other people. Come on, if you wanna die smoking, don’t take us with you! Do it alone! :P
More LP entries here.

Incoming search terms:

  • dahilan kung bakit marami ang naninigarilyo?
  • mga TAONG nagsisigarilyo

Read More

Paboritong Laruan/Favorite Toy

Posted by on Jan 5, 2011 in Litratong Pinoy | 6 comments

Kadalasan kapag binanggit ang laruan ay may kinalaman sa bata agad ang naiisip natin. Sila kasi ang mahilig maglaro pero kailangan din nating mga nakatatanda ang may sariling oras para sa laro, enterteynment at pagrerelaks. Sabi nga; All work and no play makes Juan (or Jack) a dull boy.

Kaya naman narito ang dalawa  sa paboritong laruan ng aking panganay na anak, kilala din sa tawag na Mister. :) Lumalaki na ang batalyon pero ok lang dahil enjoy naman siyang pinapalipad ang mga ito kasama ang 3 bata na enjoy din nanonood. Paminsan minsan, sila din ang piloto ng mga helikopter na ito.

Dahil mahilig din siyang magtagni-tagni ng video ay naging trabaho ko na ang magkuha ng video habang nagpapalipad siya. Kinabitan niya din ng video ang mga helikopter na ito na parang espiya hehe.

Patuloy din akong nagpapraktis sa pagkuha ng video at heto ang kauna-unahang flight niya at video ko naman.  Iyon namang camera ang nagiging paborito kong laruan…Babala: nakakahilo!

When we say “toy” We immediately think of kids. Simply because kids love to play but we kids at heart (read: older people lol) also need sometime to play, entertain ourselves and relax. The saying All work and no play makes Juan (or Jack) a dull boy is very true after all.

Two of my hubby’s favorite RC helis are featured here. He loves taking them out on flights while I record everything on video…sort of a practice for me too! That’s why the camera has become my favorite toy! :)

Happy LP! Click upper logo to join or view other participants’ entries.

Incoming search terms:

  • laruan

Read More

Bukas (Open)

Posted by on Dec 1, 2010 in Litratong Pinoy | 5 comments

—-

garbage

Alas-diyes ng gabi na hindi ba dapat natutulog na tayo? Pero si manong, heto dala-dala ang kanyang mga gamit at naglilinis pa sa kalsada. Aba, dahil bukas pa ang mga ilaw at madami pang tao sa labas ay patuloy ang trabaho niya (Wag pong mag-alala dahil night shift lang siya). Ganito pinapanatiling malinis ang siyudad, sana lang pwede ding linisin ang utak ng mga taong nagtatanim ng punla ng pagkasuklam sa mga hindi katutubo para naman maging bukas sila sa migrasyon at pakikipag-kapwa tao.

Noon ay ang unang Sabado ng Oktubre. Taon taon ay ginaganap ang Lange Nacht der Museen (Long nights at the museum) dito sa Austriya (partikular sa Vienna). Sa ibang siyudad gaya ng Munich ay sa ibang araw naman ng Oktubre ngunit kadalasan ay sa Sabado din. Nitong taon ay mahigit sa 650 museo ang bukas mula alas-sais hanggang ala-una ng madaling araw para sa mga bisita na inabot ng 200,100 katao sa Vienna pa lamang.

IMG_0874

(Dorotheum, mga alahas at ibang mamahaling bato ang kanilang display. Mayroon ding mga kama at ibang kasangkapan sa bahay na napapalamutian ng ginto, pilak at iba’t ibang bato. Pinakana-alala ko ay ang lapis lazuli na kwintas na nagkakahalaga ng kulang kulang sa 1000Euro)

Sa 650 na museo ay pito lang ang natapos naming puntahan ng aking panganay na anak. Ang pagsakay ng bus, tram at train at ticket sa mga museo noon ay nagkakahalaga ng 12 Euro at libre ang mga batang hindi hihigit sa labindalawang taong gulang. Mantakin mo ang laki ng aming natipid dahil kung ang bawat museo ay may 5 Euro na entrance fee (minsan ay mas mahal pa) ay aabutin na kami ng 35 na!

(Albertina, naka-display ang sining ni Picasso, ilan ni Michaelangelo at Walton Ford.)

Iisa ang lagi kong reklamo sa mga museong ito, bawal ang litrato kasama ang mga sining, sabi ko nga hindi naman kasinglaki ng Louvre pero mas suplado sila ha. lol. E yun nga, sunod na lang sa alituntunin…sa labas lang maari maglitrato.

(Mozarthaus, bahay…building ni Mozart.)

Pinakapaborito ng aking anak ang tirahan ni Wolfgang Amadeus Mozart dahil nag-aaral siyang tumugtog ng Piano at alam na niya ang bersyon ni Mozart ng Twinkle Twinkle Little Star…pinakinggan namin dito ang Magic Flute at nakita namin ang ilan sa mga gamit ni Mozart bukod sa kanyang apartment noon,  nanirahan siya dito kasama ang kaniyang asawa at mga anak. Sayang lang at hindi na nagka-anak ang kanyang mga anak kaya naputol ang linya ng mga henyo sa musika sa kanyang pamilya. Di bale, sumunod naman sina Joseph Haydn at Ludwig van Beethoven sa yapak niya. :)

Narito ang ibang kwento sa paggala naming ito. Dito naman ang ibang kalahok. Happy LP!

Incoming search terms:

  • naglilinis ng kalsada
  • taong naglilinis
  • naglilinis ng bahay
  • taong naglilinis ng bahay
  • migrasyon
  • mga taong nagtatanim
  • katutubong sining kwintas
  • nagtatanim
  • pakikipagkapwa tao
  • BATANG NAGLILINIS SA MUSEO

Read More

Malapot (Thick/Creamy)

Posted by on Nov 17, 2010 in Litratong Pinoy | 7 comments

Ang hirap ng tema ngayon. Pagkain kaagad ang naisip ko ng malaman kong malapot ang tema.

taho2

Arnibal sa taho. Hindi ba malapot ito? Ang taho ang nagpapaalala sa akin ng aking pagiging bata. Noon sa sinkwenta sentimos ay puno na ang baso mo. Basta’t marinig ang sigaw ni manong ng “Tahooooooo!” ay dali dali kaming babangon ng ate ko, kukuha ng baso at maghihintay sa may gate para sa agahang taho. Magkakano ang taho noong kabataan mo? Nung huling uwi namin ay natuwa ang aking kabiyak ng makita ang manong magtataho sa La Mesa Ecopark. Doon ay beinte pesos na ang isang baso. :) Sabi ni manong kasi daw ay mahal ang basong papel, hehe.

IMG_0178

Eto naman ang paborito naming panghimagas ng aming barkada, ang panna cotta. Noon ay hindi pa namin ito kilala sa tawag na panna cotta. Sabi kasi sa amin ng aming guro (na nanay ng aking matalik na kaibigan) na siyang gumagawa nito ay Cathedral daw. Nang matutunan ko itong gawin mag-isa ay doon ko lamang napagtanto na ito nga ay panna cotta. Malapot na gatas na may cream at kadalasang nilalagyan din ng malapot na karamel o iba pang malapot na sarsang may lasa ng prutas (?). Fine, ang hirap sa tagalog…fruit sauces such as blueberry or strawberry.

Maligayang araw ng huwebes, bisitahin ang iba pang kalahok dito.

Now don’t ask me why I need a fat burner for. Obviously, for the calories I accumulate from so much eating!

Incoming search terms:

  • mga recipe ng pagkain
  • panna cotta recipe philippines

Read More

Likido/Liquid

Posted by on Nov 10, 2010 in Litratong Pinoy | 3 comments

Gaano kahalaga ang tubig? Ito ang temang ipinapahatid ng museong pambatang ZOOM HzweiO (H2O). Sumama ako ng minsang pumasyal doon ang buong klase ng aking anak. May iba’t ibang gawain, eksperimento at instalasyon ang makikita sa museum. Talaga namang nag-enjoy ang mga bata dahil ang tubig ay isa sa pinakapaborito nilang nilalaro.

IMG_0787

Ito ang isa sa mga instalasyon…mga pinagtagnitagning piraso na kailangang ikutin, hilahin at bombahin para umikot ang tubig.

IMG_0772

Ang mga gwantes na lumulutang sa tubig ay parang nakakakilabot (creepy). Mayroon pang ibang mas nakakakilabot pero hindi ko na ipapakita pa. :D Happy LP!

Incoming search terms:

  • museong pambata

Read More