“Two’s company; three’s a crowd.”

Hindi magandang mabuhay ng mag-isa, ito ang madalas kong naririnig. Siguro nga, pero hindi naman laging ganoon. Maaring mayroon ding kabutihan (advantage) na naidudulot ang mag-isa. Sa mga isda na ito, dalawa silang maghahati sa pagkain no? ( Namatay ang aming mga alagang isda ;-( noong nagbakasyon kami kaya bumili ako ng 2 Koi sa kulay n ginto at pula/puti.)

Pero kung sa tao, mas masayang kumain ng may kasalo, di ba?

Nakita ko ang dalawang teddy bear na nakadisplay sa labas ng isang tindahan ng mga laruan habang namamasyal sa kabisera. πŸ™‚

Ito ang aking lahok ngayon linggo para sa Litratong Pinoy.

Share