Eto yata ang pinakamahirap na tema para sa akin. Sa dami ng lirato ko, na ako ang nasa likod ng camera at dahil iba iba ang tema ay wala akong mapili na pinakapaborito. Mayroong mga bulaklak, insekto, tanawin, pagkain at mga mukha…

Noong araw (lol) na ako ay estudyante at isa ring manunulat at potograpo ay doon ko naranasan ang magdevelop ng mga film at magprint din naman, sayang at hindi ko na maipapakita sa inyo ang mga yun, ang paborito ko doon ay mga litrato ng mga bata kuha sa Luneta at Intramuros.

Pero eto ang madalas na nakikita ninyo naΒ  dito, marami ng narating ang litratong ito (print at tv) pero pinkagusto ko ang pagkakataon na nakuha ko ito, alam kong hindi na kasi mauulit.

fruitsandkids

Ang aking mga anak, na alam ninyo na siguro kung gaano ko kamahal at kung gaano ko ipinagmamalaki. Ang litratong iyan ay nakasabit sa aming hapag-kainan. (Kuha gamit ang aking lumang sony f717)

Sa baba naman ay ang litrato nila noong mga bata pa, ang aking panganay noong sha ay 3 taon, ang panggitna noong isang taon, at si bunso, 8 buwan sha dito. Nakasabit ang mga ito sa aming sala. (kuha naman gamit ang mas lumang sony f505v)

3flowers

Nandito naman ang mga ibang litrato ko kung interesado kayo hehe.

Maligayang anibersayo mga Ka-LP! Sana ay magkitakita pa tayo sa mga susunod na taon πŸ˜€

Share