dandelion

Tayong mga pinoy ay maraming paniniwala na minsan nakakatuwa, nakakaaliw kundi naman ay nakakainis. πŸ˜€ Di ko nais manuya or kung anuman pero palagi akong may duda sa mga kasabihan at tradisyon. Ano ang kinalaman ng litrato sa ating tema ngayon? Sabi nila kapag daw nakakakuha ka ng isang hibla ng damong ito, hulihin mo iyon, humiling ka at hipan ang hibla upang matupad. Wala akong alam na hiling na natupad sa ganito, kung mayroon mang nagyari, malamang ay coincidence.

Kanino ba nakadirekto ang mga hiling? Ang paniwala ko ay hindi sa Diyos kasi ang pakikipag-usap sa Diyos ay tinatawag na panalangin. Kaya siguro sinabi na” Be careful what you wish for, lest it come true,” kasi maaring masama o mabuti ang hilingin ng isang tao. At kung magkatotoo iyon malamang ay may nakikinig na ibang entity sa pagkakahiling at siya ang tumupad nun. Scary…Ingat lang.

Happy LP!

Share