Gaano kahalaga ang tubig? Ito ang temang ipinapahatid ng museong pambatang ZOOM HzweiO (H2O). Sumama ako ng minsang pumasyal doon ang buong klase ng aking anak. May iba’t ibang gawain, eksperimento at instalasyon ang makikita sa museum. Talaga namang nag-enjoy ang mga bata dahil ang tubig ay isa sa pinakapaborito nilang nilalaro.

IMG_0787

Ito ang isa sa mga instalasyon…mga pinagtagnitagning piraso na kailangang ikutin, hilahin at bombahin para umikot ang tubig.

IMG_0772

Ang mga gwantes na lumulutang sa tubig ay parang nakakakilabot (creepy). Mayroon pang ibang mas nakakakilabot pero hindi ko na ipapakita pa. πŸ˜€ Happy LP!

Share