Mirage

Mix of motherhood, writing, photography and homemaking
Litratong Pinoy | stock photos | Venice

Litratong Pinoy – Liwaliw

August 14, 2008

DSC00596

Kami ay nagliwaliw sa dakong ito ng Italya, sa Venice, na kung saan ang tubig ang pangunahing sistema ng transportasyon, isang kultura na priniserba sa loob ng maraming taon. Talagang humanga ako hindi lamang sa mga gusaling nagpapakita ng taglay na katandaan ng siyudad, o ng mga bangka at gondola sa mga kanal, maging ang mga tindahan ay dinadayo dahil sa mga maskara at produktong murano glass.

Sa isang banda hindi ko maalis isipin ang Ilog Pasig, kung ano kaya ang lagay nito ngayon kung hindi napabayaan…malamang isang dinadayong bahagi rin ito ng Maynila. Nabasa ko rin na meron namang mga pagsisikap na ayusin uli ito lalo na ang magkaron ng mga Ferry na bumibyahe sa ilang partikular na lungsod.

traffic

gomdola10

Venice - shop

Marami ding mga magagaling na pintor sa Venice na nagtitinda ng kanilang mga gawa sa daanan, gamit ang iba’t ibang medium tulad ng watercolor, pencil, charcoal. Ako ay isang nangangarap na pintor pero dahil hindi ko na yata magagawa yan ay masaya na din akong kumuha ng litrato mula sa mga bagay na nakikita ko. Sabi nga isang piraso ng realidad sa pamamagitan ng kamera. Salamat na din at may photoshop, pwede ko ring tingnan ang hitsura ng isang litrato kung ito ay iguguhit ko gamit ang watercolor…

paintbrush

At siyempre pa hindi kumpleto ang pagliliwaliw kung walang pagkain, ano pa nga ba ang tamang pagkain kundi ang pamosong Pasta at Pizza sa Italya.

diavolo, cannelloni con ricota e spinati

Pizza Diavolo at Cannelloni con Ricota e Spinati

——

Halika na magliwaliw sa ibang lugar kasama ang mga Litratistang Pinoy!

P.S. Ang unang nakahula sa nakaraang akda ay si PhotoCache! =) F.F. sa susunod uli para sa mga mapapanalunang postcard (saka hindi sa Venice malamok, sa Lignano yung isa namin pinuntahan). =D

Share
  1. salamat sa pagpapaalala sa akin na oras na palang magpost ng LP na litrato! hehe.

    ang ganda talaga sa venice…kakainggit! romantiko.

    ang gaganda din ng mga souvenir na maskara. kakabili ko lang ng guidebook ng venice at nabasa ko rin kung saan ginagawa ang murano glass…nagbabakasakaling makapunta rin ako sa italy. hehe.

  2. Nadalaw din naming mag-asawa ang Venice 5 taon na ang nakararaan. Naalala ko sa mga litrato mo ang nakita namin noon. Hehehe… memories… 🙂

  3. pangarap ko ring makapunta sa venice at sumakay sa gondola kasama ang aking asawa! diba may kasabihan sila na pag nag-kiss daw sa ilalim ng bridge, forever kayong magmamahalan?! hahaha 🙂

    ang corny ko!

    happy LP!

  4. wow! ang ganda!!! gusto ko din magliwaliw jan at sumakay sa gondola kasama ang aking irog (kung meron) habang inaawitan ng bangkero hehehe ang romantic db?! sarap ng pizza huh! kakagutom!

  5. hello G!! ay nasa bakasyon ka pala kaya medyo quiet the past days…..you took lovely shots! nakakaenganyo, sana madaladaw ko part na yan 🙂

    Happy LP 😉

    Thesserie.com

  6. wow, isa ang venice sa mga gusto kong puntahan bago man lang ako kunin ni Lord sa mundo. tapos syempre gusto ko kasama ko si hubby at hinaharana kami ng gondolier (naks!). at syempre pagkatapos ay lalamon kami ng pizza, hehehe.

    salamat sa pics at parang nakapagliwaliw na rin ako diyan. 🙂

    LP Liwaliw sa MyMemes
    LP Liwaliw sa MyFinds

  7. ito ang pangunahing pasyalan na pumapasok sa isip ko. kung akoy papalarin sana akin ring masaksihan ang alindog ng venice sa mga susunod na araw.

    O ano G, okay pa tagalog ko ano? inggit ako sa iyo kasi galing pa rin ng tagalog mo eh.

    ay, ako pala una hula, wow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *