“Luntian/Green”

(Pakibasa hanggang dulo merong palaisipan.)

DSC03269

1 November 07

Sa Siyudad (Vienna) na ito ay maraming luntiang lugar, isang bagay na gustong gusto ko dahil mabango ang amoy ng paligid kapag madaming luntiang damo, halaman at puno. Maganda ding kuhanan ng litrato. Yun nga lang pagdating ng taglagas ang mga dahon na dating luntian ay nagiging dilaw…pero maganda pa rin namang tingnan. At hihintayin kong muli ang tagsibol para sa maberdeng mga parke na pwedeng malitratuhan.

flower shop kΓ€rtner

28 April 08

Kung papasyal naman sa sentro ng siyudad, kokonti na lang ang mga luntiang puno na makikita, gayunpaman sinisikap ng marami na palamutian ng halaman ang paligid..ito naman ay isang maliit na tindahan ng mga bulaklak, kaaya ayang tingnan sa gitna ng kalsadang araw araw na puno ng mga turista (nagkataon walang dumadaan nung ito ay kunan pero kita ko ang kapirasong damit ng isang muslim sa sulok hehe).

pens

Ang aking mga anak ay mahilig gumuhit at kumulay…eto ang ilan sa kanilang di-kulay na lapis.

Palaisipan: Sa isang puno ilang lapis ang maaring gawin? Sagutin po ito sa inyong komento, ang tamang sagot ay mananalo ng postcard mula sa akin hehe. πŸ˜‰

Happy LP!

Share