Mirage

Mix of motherhood, writing, photography and homemaking
Litratong Pinoy | stock photos

Litratong Pinoy – Madilim nga ba?

October 30, 2008

Ang post na ito ay nagpapatunay kung gaano ako katamad magblog lol. Pagkatapos ng isang linggo, LP uli ang entry ko hihi…siguro lang oras talaga ang kalaban…

night1

Ang tema ngayon ay kadiliman, hindi ko mahanap ang mga lumang litrato kaya eto ang mga lahok ko.

Alas-9 ng gabi na ngunit ang kadiliman ay hindi naman tuluyang lumatag sa plaza ng Lignano, Italya dahil sa liwanag na dulot ng mga ilaw.

night2

Noong lumalim pa ang gabi ay naglakad kami ni hubby para magkuha pa ng litrato sa may dalampasigan. Ang huling litrato na ito ay kuha ng 10:48 ng gabi.

night3

Ang mga litrato ay kuha noong ika-7 ng Agosto, nakikita mo ba ang naglalakad doon sa kadiliman?

Bago ko makalimutan, ask ko ang tulong nyo, pakiboto ang aking litrato dito at dito. Salamat ng marami.

At isang paghila (tag, lol corny nito) sa baba, tungkol sa mga pangalan.

Happy LP!

Share
  1. Gusto ko yung huling kuha dahil buhay na buhay ang repleksyon ng asul na ilaw sa itim na dalampasigan. At ganda ng drama ng hugis ng naglalakad na babae sa gitna. 🙂

  2. gusto ko yung last na litrato 🙂

    yung una parang umaga blue pa kasi yung sky buti nalang may lamp post 🙂

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista 🙂
    Salamat sa pagbisita 🙂

  3. Wow, super naiingit ako at nakatira ka sa Europa… napaka gandandang lugar.

    Hindi kita napansin sa litrato kung hindi mo sinabi… ang nakita ko eh yung mga ilaw.

  4. maganda iyong kulay asul na ilaw. ano kaya yan? parang may araw pa rin pala kapag maaga pa ang gabi ano?

  5. Ang daya ang labo ng pic mo eh..dapat close up (^0^)

    are the kids trick or treatin’ tonight, mom? I’m thinking of sending Charlie out for some treats (for me *lol* )

    Happy LP at op kors, puntahan ko ang pics na iboboto.

  6. Kahit madilim maganda pa rin ang tanawin. Dito naman alas 5:30 pa lang ay madilim na.
    Salamt sa bisita G, missing in action ang site ko kaya ngayon lang nakapag-update. Happy weekend.

  7. tita thess, syel,leaps(keith?), hindi ako yun naglalakad dun…kagaya namin ni hubby, mga naglilitrato din sa gabi,kasama din ang kanyang irog hihi.

    Salamat sa pgbisita, kita kita tayo uli sa LP!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *