Mirage

Mix of motherhood, writing, photography and homemaking
Litratong Pinoy | stock photos

Litratong Pinoy – Pag-aaral (Studying)

June 26, 2008
Paumanhin sa hindi ko pagsali noong nakaraan, ang aking anak ay nasa ospital kaya bumabawi ako ngayon sa dami ng litrato.

Tema: Pag-aaral. Gaano bang kadaming bata ang hindi pinalad na makapasok sa eskwela, naku, ilan naman ang mga nakakapagaral ngunit pinipili na wag seryosohin ito?

class2

“Silid-aralan (Classroom/Klassenzimmer)”

Masayang balikan ang alaala sa silid-aralan, ang mga proyekto na ating maayos na ginawa ay sinasabit sa pader ng ating guro. Ang pagpapakintab ng sahig ng bawat grupong nakatoka sa paglilinis sa araw-araw.

class1

“Mga Silya (Chairs/Stühle)”

Ang ating maliliit na silya na minsang dinidikitan ng stickers at sinusulatan ng pangalan kahit hindi dapat. Kung masama sama pa ay may mga bubble gum sa ilalim (lol). Ang blackboard na minsan ay pinag-aagawang linisin at minsan naman ay kinatatamaran.

with her classmates

‘Salimpusa’

Siyempre pa ang mga kaeskwela na ating nakikilala at nakakasama sa matagal na panahon. May iba’t ibang ugali, hilig, at talino na siguradong isa sa kanila ay magiging iyong pinakamabuting kaibigan…
———————————————

writing

Pag-aaral na sulatin ang mga letra…Inilathala sa Momstoday noong nakaraang taon.

Alex01

——-

Ang aking mga anak nagbabasa ng libro na base sa Bibliya at ng Bibliya, ang mga itinuro ni Jesus “ang dakilang guro…”

Isang magandang Huwebes. Para sa iba pang Litratong Pinoy, pindutin dito.

Share
  1. Ang gaganda ng mga larawan at talaga namang gaganahan ka mag-aral kapag ganyan. Me ganyang paaralan din dito sa Pilipinas, mga 100k ang tuition, hehehe.

    Eto ang aking LP:
    Pagkatuto

  2. congrats sa iyong anak sa pagkakalathala nya. Salamat din sa komento sa aking lahok 🙂

    kahit bible lang malaking bagay na iyon para sa kanilang murang kaisipan. keep it up sis!

    happy lp!

  3. ang ganda ng kanilang mga gamit ngayon…naalala ko tuloy ang mesang mahaba (dalawahan) na lagi pang kinikiskis ng liha upang luminis…hehe!

    Reflexes

  4. ang ganda at ang linis naman ng eskwelahan na iyan. ang cute din ng mga anak mo. buti na lang ay pati mga kwento galing sa bibliya any binabasa rin nila.

    maligayang lp!

  5. Isa na yata ang bansang Austria sa Europe ang talagang hanga ako sa kalinisan ng paligid at ganda ng mga paaralan! Hayy sana bata ako ulit at mabigyan ng chance makapag-aral ulit (^0^) sa ganyang kagandang classroom!

    I love the last photo, you’re a good teacher mom, for bringing Jesus into their lives.

    Happy LP, G!!

    Thesserie.Com

  6. Sana ay mabuti na ang lagay ng iyong anak…

    Ka-“sosyal” namang silid-aralan niyan – kakagana mag-aral! 🙂

  7. Ang “kyut” naman ng silid-aralan ng iyong anak. Nakakatuwa pag-masdan dahil mukhang kay linis at tahimk ng kanilang kapaligiran.

    🙂 (Napagod ang dila ko sa Tagalog. Iinom muna ako ng tubig. Hehe)

  8. “Gaano bang kadaming bata ang hindi pinalad na makapasok sa eskwela, naku, ilan naman ang mga nakakapagaral ngunit pinipili na wag seryosohin ito?”

    tumpak na tumpak.

    maligayang paglilitrato! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *