Mirage

Mix of motherhood, writing, photography and homemaking
Litratong Pinoy | stock photos

Litratong Pinoy – Pag-iisang dibdib

June 5, 2008

Mateo 19:6 “Ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”

Marahil ay nagtataka kayo bakit iisa lamang ang singsing na nakapatong sa Bibliya, iyon ay dahil ang singsing ng aking asawa ay hindi namin alam kung nasaan (lol). Magandang pasubali para kapag may magtanong ay sasabihin nya na wala siyang asawa (hehehe, wag gagayahin ng mga may asawa jan,biro lang po ito).

Sa kabilang banda ang pahina sa Bibliya ay tumutukoy sa diborsiyo, isang sensitibong usapin na pinapayagan lamang ng Bibliya kung ang dahilan ay ang pangangalunya (bukod sa kapahamakan ng buhay, at kawalang responsibilidad).

Sa mga pagkakataon ng pagiisang dibdib ay karaniwan ng mayroong mga souvenir items at pinakapaborito ko sa mga ito ay ano pa nga ba, kandila.

Isang maligayang LP sa lahat!

Para sa ibang lahok, pakipindot dito.

Kung hindi ko pa kayo nailagay sa listahan ng mga Litratistang Pinoy, pakibanggit lamang sa komento. Salamat po.

Share
  1. isang sensitibong paksa ang iyong ipinakita. nawa’y di humantong ang maraming pag-iisang dibdib sa mapait na hiwalayan…

  2. gusto ko ang impormasyong sinulat mo, sensitibo man, ngunit importanteng malaman ng lahat ng ikinakasal.

  3. Ang paghihiwalay ay tila ba ordinaryo na lamang ngayon. Kaya dapat talaga pinag-iisipang mabuti bago magpakasal.

    Magandang Huwebes!

    Julie

  4. kami ay hindi nagsusuot ng sing-sing 🙂 Sana kami ay magtagal pero hindi ako sang-ayon sa pag-titiis sa isang marriage na hindi ka na masaya 🙂

  5. nawa’y manatili tayong tapat sa ating sinumpaan sa harap nang tao at higit sa lahat, sa harap ng Diyos. 🙂

    maligayang LP!

  6. Ipagawa agad ng bagong singsing si mister ha ha!

    Neybor, pasensha na at late ako nakadalaw, grabe trabaho talaga lang…Have a great weekend to you and yours!

    Thesserie.Com

  7. Naku, nawala ng iyong asawa ang kanyang singsing. Di bale, simbolo lang naman iyon. Ang importante ay nagmamahalan kayong dalawa.

    By the way, ano reaction mo ng malaman mong nawala ang singsing ng asawa mo?

    May mga kilala kasi ako na hindi nagsusuot ng singsing ngunit dahil may allergy sila sa daliri.

    Happy LP!

  8. Salamat po sa lahat ng mga nagkomento.

    Ang pagkawala ng singsing ni hubby ay ok lang naman sa amin kasi hindi din namin lagi sinusuot. Kasi pareho din kaming walain lol. Tinanong ko si hubby at sabi nya naiwan nya daw sa bahay ng tita nung ginawa nya yung PC, mejo busy ung tita kaya di pa kami nakapag appointment na kuhanin. lol.

    So un, please don’t worry about the misplaced ring, we know the relationship is more important than that.

  9. Or sabi nga ni gladys, bibili na lang, pero ibang set na hehe. Di ko nga pala masundan ang link mo gladys, pakiiwan naman dito sa sunod, thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *