Naku, Paborito kong kulay ang tema ngayon. Noong mga nakaraang meme (photohunt at ruby tuesday) ay mayroon akong mga ginamit na litratong may kulay pula. Sa baba nitong akda ay ilalagay ko uli.

Gaya ng maraming kababaihan (naku, naririnig ko ng iba sa inyo nagsasabi ng ‘ako!’) mahilig din akong mangolekta ng sapatos…kung minsan ay hindi naman nagagamit kundi nakatago lang. Ito ang bagong dagdag sa aking kabinet. Nabili ko online, biglaan lamang dahil sobra akong natuwa sa kanya. πŸ˜€

(Like most women, I collect shoes, even if they just end up unused and hidden in the shoerack, I still buy new shoes to add up. πŸ˜€ I bought them online, on impulse because I find them really cute).

Dani

Eto si bunso, pero wag sha ang tingnan nyo kundi yung pader sa likod…Yan ang kulay na ipinuntura namin kaya lahat ng mga gamit ay kailangang akma sa kulay na iyan. (Ang litratong ito ay ginamit sa ruby tuesday).

(This is my little boy, but don’t look at him instead focus on the background, a red wall. This is what we painted our walls, now everything in the living room should complement this color. (This photo was used for ruby tuesday meme).

Eto naman ay ginamit ko sa photohunt na may temang ‘sapatos’ dahil noon ay ito ang paborito kong pulang sapatos (tag-init!).

At eto na naman, ekstra uli si bunso, nakita kong sinusukat ang sapatos ko pero inalis nung kinuhanan ng piktyur! hehe. Aminin nyo mga boys, mahilig din kayo magsukat ng sapatos ng nanay nyo nung bata pa kayo!

(The photo of the red mary jane was used for a photohunt entry with the theme ‘shoes’ because at that time, it was my favorite red shoes (summer!). Again, here is the little boy whom I saw was trying on my shoes, he immediately removed his foot when I took the shot. Admit it, you also like putting on your mom’s pumps back then!)

Happy LP!

Share