Ang buhay natin ay puno ng mga kontradiksyon na nagpapakulay nito. Langit – lupa, araw – gabi, katahimikan – ingay, liwanag – dilim…..puti – itim, Minsan lulubog – lilitaw, minsan kasali at minsan hindi =D. (Sabi nga ni Mulan, One alone is not enough, we need both together– sa awiting ng Lesson Number One na inawit ni Lea Salonga).

Tunay na magandang tema an itim at puti ganun din ang potograpiya nito na matagal ko ng namimiss…ang mga rolyo ng film, kemikal, at pulang ilaw sa darkroom. Kaya ang unang lahok ko matapos ang matagal na pananahimik ay itong isa sa mga natitira kong litrato na dumaan sa porseso ng darkroom.

Pero mukhang dumumi na kaya ang puti ay naging maduming puti na hehe.

chair

Eto naman ang litrato ng aking panganay na anak, una noong taong 2002 at sumunod ay noong isang taon, malaki na an ipinagiba sa loob ng 5 taon!

lexie b6wwhite and black alex

Mejo nahirapan ako maghanap pa ng iba kaya isang espesyal na pampabusog para sa atin, bahala na kayo magdesisyon kung ito ay chocolate muffin ba o cupcake? Dahil ang ginamit ko ay muffin ingredients pero nilagyan ng choco chips hehe. May color-blindness yata ako, black ba ito o brown?

Maligayang Huwebes po, masaya akong sumali uli ngayon…

Share