canoneos400

Eto ang kamerang nagustuhan ni hubby na bilihin noon para sa akin, mga 2 taon na yata ang nakakaraan. Nagpasalamat ako siyempre pero hindi naman ito talaga ang gusto ko. hehe. Ang gamit ko noon ay ang Sony cybershot F717 na talaga namang minahal ko at tunay na pinakinabangan. Mahaba din ang lens ng kamerang iyon pero hindi naman singbigat nitong Canon. Kayo ko nagustuhan ang kamerang iyon ay dahil matinding pumokus at ok na ok sa macroshots. Sa ngayon hindi ko na nadadala araw araw ang kamera, mabigat talaga siya kaya naman wala na akong mashadong mga bagong litrato na nai-stock. At kung halimbawang mayroon akong gustong kuhanan ng litrato ay sa telepono na lang. Gaya ng halimbawa sa baba.

papa

Gamit ang aking Sony ericsson K770i ay kinuhanan ko ito habang hinihintay matapos ang piano lesson ng aking unica hija…ang tatay na binibihisan ang kaniyang anak para naman sa ballet classes niya (mas malinaw nga pala ito kesa sa iphone camera o siguro ay di ko pa mashadong kilala si iphone). Kadalasan ay ang ina ang nakikita kong kasama ng bata pero sa pagkakataong ito, na kung kailan wala akong dalang kamera ay siya ang sumama. Dahil sa mga eksenang ganito na gustong gusto kong kinukuhanan ng litrato ay para bang gusto kong bumili ng isang point and shoot na dudukutin ko lamang sa bulsa, mayroon din namang zoom features ang mga point and shoot kaya carry na! Sabi nga, it’s the indian not the pana! lol…feeling! πŸ˜€

Happy LP! Dito for more entries

I have a soft spot for moments as this, a dad and her daughter, a mom and her son showing affection. Imagine how I sometimes would cry (secretly of course) seeing hubby happy and fulfilled when he hugs our little boy. That connection may be the best example for the song line that goes, how one life touches the other is so hard to understand

PS- I lost all your links so pakiiwan na din, pa-exlinks po! thanks!

Share