Kapag kumapal ang niyebe (na madalang mangyari), siguradong hindi lang ang mga bata ang natutuwa…ang panganay ko din a.k.a. Hubby. Maaga pa lang ay ginigising nya na ang mga bata para maglaro…at ako ay kailangan din sumama para naman may tagakuha ng litrato (waaah).

Pero kapag may panahon ay umaakyat siya kasama ang mga kaibigan sa bundok para doon magenjoy.

IMG_0146

Sumakit man ang aking mga paa pero sige kuha din naman ng litrato, ok na nakikita ko silang nageenjoy. Siyempre pa makakapal ang suot, sapatos, schihose, jacket, gloves at bonnet. Dahil kung hindi ay kakapal talaga ang balat sa lamig. πŸ˜€

Β 

IMG_7739

Kung wala ng niyebe ay solb na din sa ice skating. Makapal na yelo pa din πŸ˜€

IMG_0224

Happy LP!

Share