Mirage

Mix of motherhood, writing, photography and homemaking
Litratong Pinoy

Malapot (Thick/Creamy)

November 17, 2010

Ang hirap ng tema ngayon. Pagkain kaagad ang naisip ko ng malaman kong malapot ang tema.

taho2

Arnibal sa taho. Hindi ba malapot ito? Ang taho ang nagpapaalala sa akin ng aking pagiging bata. Noon sa sinkwenta sentimos ay puno na ang baso mo. Basta’t marinig ang sigaw ni manong ng “Tahooooooo!” ay dali dali kaming babangon ng ate ko, kukuha ng baso at maghihintay sa may gate para sa agahang taho. Magkakano ang taho noong kabataan mo? Nung huling uwi namin ay natuwa ang aking kabiyak ng makita ang manong magtataho sa La Mesa Ecopark. Doon ay beinte pesos na ang isang baso. 🙂 Sabi ni manong kasi daw ay mahal ang basong papel, hehe.

IMG_0178

Eto naman ang paborito naming panghimagas ng aming barkada, ang panna cotta. Noon ay hindi pa namin ito kilala sa tawag na panna cotta. Sabi kasi sa amin ng aming guro (na nanay ng aking matalik na kaibigan) na siyang gumagawa nito ay Cathedral daw. Nang matutunan ko itong gawin mag-isa ay doon ko lamang napagtanto na ito nga ay panna cotta. Malapot na gatas na may cream at kadalasang nilalagyan din ng malapot na karamel o iba pang malapot na sarsang may lasa ng prutas (?). Fine, ang hirap sa tagalog…fruit sauces such as blueberry or strawberry.

Maligayang araw ng huwebes, bisitahin ang iba pang kalahok dito.

Now don’t ask me why I need a fat burner for. Obviously, for the calories I accumulate from so much eating!

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *