Naalala nyo ba sa bawat taon sa School at Kindergarten ay mayroon tayong class picture? Ito naman ang group picture ng mga bata sa kindergarten. Taon taon ay gumagastos ang mga magulang para sa set ng mga litrato ng kanilang mga anak na iba iba ang laki, mayroong black and white at stickers.

kindergruppe(layout,graphics ni hubby)

Sa mga nakaraang taon, marami sa mga litrato ng mga bata ay hindi ko kinukuha, kaya malamang nalulugi ang photographer hehe. Kasi ay hindi ko gusto ang mga pagkakakuha ng mga litrato ng aking mga anak…(stagemama nagpoprotesta!) Kaya naman ngayong taon ay nagpasiya ako na magpropose sa kanila na maging photographer. Medyo nahirapan lang akong maghanap ng magandang printing service kaya inabot ng 3 linggo ang mga litrato ๐Ÿ˜€ Pero sa wakas, natapos at naibigay na namin sa mga magulang ang mga litrato.

Eto ang pinakapaborito ko sa mga litrato ng mga bata. Medyo mahiyain kasi ang batang ito pero natuwa ako dahil cooperative siya at napaka-cute pa!

Sa ibaba naman ay ang malapit na kaibigan ng aking bunsong anak, ganda ano? Natuwa ako sa komento ng kanyang ina dahil sabi nya ay para daw painting hehe….kaya malamang bibigyan ko siya ng puto-mix dahil favorite nila ang pinoy food na ito hehehehe….

(Napakahirap ng temang ito, buti naman at natapos ko din!)

Happy LP! Click here for more!

(Sehr Geehrte Eltern, Erlauben Sie mir bitte, die Fotos der Kindern in diese Web site einzusetzen. Danke. )