Mirage

Mix of motherhood, writing, photography and homemaking
Litratong Pinoy

Pagbabago (Change) – Litratong Pinoy

June 2, 2010
big teddy bear
big bear

Some things never change, yet change is inevitable. Contradicting isn’t it?

Isa na sa hindi maikakaila ay ang pagbabago sa hitsura ng tao. Dahil tayo ay buhay, lumalaki, tumatangkad, at may mga iba pang katangian na nababago.

Isa naman sa hindi mababago ay ang pagiging magkapatid ng dalawang ito, ang panganay at pangalawa kong anak. Siyempre pa hindi nawawala ang pag-aaway nilang parang mga aso’t pusa, sa huli naman sa pagiging magkapatid pa din nauuwi ang lahat.

siblings
siblings

Lumalaki ang mga bata, lumalaki din ang nanay…nyahaha. Kaya naman mabuti pang litrato na lamang nila ang inyong makita. lol. Happy LP!

Share
  1. May pagbabago ang hugis at kagandahan ng mukha…Very sweet yung kuha mo sa pangalawang litrato….stolen moments…

    Hehehehe, lunch break ako ngayon. Maaga ba diyan?

    Yung isa kong blog, hayaan muna, dahil maraming spam at secret followers…dito muna ang bahay ko ngayon.

  2. Para sa mga magulang, their children will always be kids kahit pa pareho nang maputi ang mga buhok nila. 🙂 Ganda ng portraits ng mga anak mo!

    Ang aking LP entry ay nakapost na rin DITO. Happy Huwebes!

  3. sabi nga ng mga matatanda, kung gusto mong makakita ng tunay na pagbabago, tingnan mo ang mga bata. gustung-gusto ko iyong pangalawang litrato, para silang mga matandang nag-uusap:) maligayang LP!

  4. hahaha lumalaki din ba ang nanay? and second picture, ang ganda, G. tama si Iska, pang greeting card o poster.

    ang bilis lumaki ng mga bata—ibig sabihin ba n’on ay mabilis din tayo tumanda? hahaha wag naman sana,

  5. Gusto kong makita din yung lumalaking nanay lol! At least ikaw 3 anak…ako lumalaki na 1 lang ang anak, kutong lupa pa ang size 😛

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *