Para sa tema ngayon “Tulay” – dalawin natin ang Siyudad ng mga Tulay. Tinawag ito sa ganito dahil sa mahigit 400 na tulay na nagduddugtong dugtong sa mga kalsada ng Venice.

dsc00615

Para sa mga litrato ngayon ay dalawa po ang potograpo, ako at si H, nagkamali lang ako ng lagay ng watermark, itong sa itaas ay kuha ko at ang nasa baba ay sa kanya.  Sa itaas ay makikita ang Starhotel Splendid Suisse na talaga namang naniningkad sa pagka-pink. Ang tulay na ito ay gawa sa kahoy, mangilan-ngilan lamang ang tulay na kahoy pero siguradong matibay din naman.

img_0382-copy

Nakakatuwang tuntunin ang mga kalsada sa Venice, sorpresa ang bawat makikita at sa dami ng tulay ay maaari kang maligaw sa sandaling magkamali ka ng isang liko. Ganun nga ang nangyari, naligaw kami bago kami nakarating sa Piazza San Marco. 😀

img_0431-2

Ito ang Rialto Bridge, ang pinakamalaking tulay na matatagpuan sa Venice. Ang tulay ay naguugnay sa magkabilang gilid ng Grand Canal. Dito din makikita ang pamilihan ng iba’t ibang klaseng produkto.

img_0496-2

Habang naghihintay kami ng mga gondolang makukuhan ng litrato ay kami muna ni H ang nagkuhanan hehe.

dsc00504-2

Sa 400 tulay sa Venice, malamang wala pa sa 50 ang nakuhanan namin pero hindi ko na ilalagay lahat, kulang sa espasyo :D. Sana ay nagustuhan nyo po ang aking lahok.

img_0517-2

——

Gondolas, waterways, one look and you know its Venice. A city in northern Italy, the capital of the region Veneto, Venice relies on water for its transportation. The city is connected by more or less 400 bridges. No wonder Venice has been nicknamed ‘The City of Bridges‘ and “The City of Waters‘ among others.

Venice is Europe’s largest urban car free area, unique in Europe in remaining a sizable functioning city in the 21st century entirely without motorcars or trucks.
—-

Happy LP!

Click here for more photos of bridges!

Share