Noon ay madalas akong binibilihan ni mama ng mga alahas na terno terno, bracelet, kwintas, hikaw at singsing. Hindi ko naman hinihingi ang mga iyon pero masaya akong sinusuot dahil para sa akin ang mga iyon ay mahahalagang bagay na nagpapakita ng pagiging mapagbigay niya. Ngayong ako ay isa ng ina, naitabi ko ang ilan sa mga binigay ni mama na alahas pero nakatabi lang talaga dahil mas gusto kong sinusuot ang mga simpleng hikaw na gaya nito, perlas lamang na nabili ko ng sampung euro (13 dolyar lang o 633 pesos hehe). Hindi na kasi ako masyadong organisado sa ganitong bagay, naiiwawala ko lamang kaya mabuti na itong hindi kamahalan at hindi ako manghihinyang kung mawala man.
Ang mga nasa baba naman na hugis pusong hikaw ay binili ko matagal na sa isang Swarovski shop(shempre loving my own! original from Austria hehe) para sa aking anak na babae, nakatambak lang din dahil ayaw nya ng hugis puso (maalala ninyo ang sinulat ko tungkol noon sa temang puso ng LP).
Ikaw, ano ang pinapaborito mong borloloy?
Happy LP! Click dito for more!
My mom used to give me sets of jewelries which up to now I have kept and never really used much. I prefer using the cheaper ones so that I wont really feel bad in case it gets lost. The pearl earrings are one of my favorite pair, aside from the fact that it can be worn with anything, it looks elegant enough even if it costs only 10 euros. lol.
The heart earrings are from a Swarovski shop, I bought them for my daughter…though I might just give it away since she doesn’t like them.
What’s your favorite jewelry?
Oo nga, bagayin ang perlas kahit saan at napaka-elegante pa ng dating 🙂
Para ano pang nasa Austria kung di mamakyaw ng Swarovski, di ba? Hahaha!
Take care and God bless, G!
lagi kong paborito ang perlas, kahit kasi ano ang isuot pwde:) ganda naman ng alahas mo pati na iyong hugis puso na hikaw.
cute ng swarovski heart earrings! kaya pala, nasa swarovski land ka kasi. 😛
ang cute ng puso!
LP:Jewelry
Ay like ko din ganyang simpleng pearls. Dami ko binili sa Greenhills, pasalubong ko sa bff ko dito.
Naku tita G! Nuong magpunta kami sa Swarovski (sa Wattens , nakalimutan ko na lugar) sabi ng asawa ko, halos maloka daw ako sa dami ng crystals ha ha ha!
paborito kong alahas ang perlas dahil maski anong pares sa suot mo, pwde. elegante palagi. maganda ang pusong hikaw na yan, walang gusto gumamit? jack-en-poy kami lahat dito hehehe!
Ang cute nung hugis puso na hikaw. ako rin, madalas simpleng studs lang suot ko.
Maligayang LP!
Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html
ako din mas gusto ko ung perlas kasi simple pero elegante.
happy LP!
Ang ganda talaga ng Perlas, simple at walang kakupas kupas 🙂
maligayang LP! 🙂
uy di mo naitatanong, mahilig ako sa swarovski na hikaw! hehehe! pag ayaw mo na niyan, express padala mo na lang sa akin, maa-appreciate yan ni ninna *wink*. 😀 happy lp! 😀
love the color and the pattern of the background on the first pic… nice shot… happy huwebes…:)
ang mga alahas ko rin, karamiha’y regalo sa akin ng aking ina. siya kasi ang mahilig sa alahas. mabuti at sa hilig niya’y naaambunan ako! hahaha!
G, pareho tayo ng theme ng blog. 🙂
galing ng kuha lalo na ang perlas!:)
Nice and simple pearl earrings ….. I also like the Crystal ,,,Swarovski is really nice
perlas na bilog wag tutulog tulog hehe..
anyway fave ko rin ang perlas ko pero hindi iyon ang lahok ko.. ganda ang pakashot mo sa pearls..
Happy Huwebes! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html
pearl earrings din ang aking pang-araw-araw, o di kaya studs. para hindi na pag-iisipan kung bagay sa damit na isusuot. cute ng heart earrings mo.
simple at very basic ang pearl. yan din ang pang-araw-araw ko. pati na nga sa pang-gabing okasyon gamit ko din. puede mong i-sell online yung mga ayaw mo na and ayaw din ng daughter mo 🙂 hehehe…
Ang perlas na hikaw, bow 🙂 Must-have yan ng mga babae, diba?
Happy LP!
Maganda talaga ang perlas. Classic, pwedeng pang araw-araw. Cute din ang earrings mong korteng puso. Gandang Huwebes!
ako man ay nagtatabi na ng mga borloloy para sa aking mga anak. pareho kasing babae. at parehong mahilig sa mga kakikayan 🙂
elegant talaga ang pearl, timeless ikanga! cute naman ni alex ayaw ng puso! 😀
uy love it…gusto ko yan…sana may magbigay sa akin, hehehe!!!!
Happy LP
ganda nmn hikaw mo ah =)
aba kung ayaw nya nung puso, ako type ko ^_^
Ako rin hindi mahilig sa mga mamahalin kasi burara ako sa gamit. hehe. I can say magaling ka sa photography kasi halos lahat ng kuha mo perfect.
Wala talaga akong kamalay-malay sa mga ganyang bagay hehehe. Pero ganda ng pictures mo as usual. Happy LP po!