Alas-diyes ng gabi na hindi ba dapat natutulog na tayo? Pero si manong, heto dala-dala ang kanyang mga gamit at naglilinis pa sa kalsada. Aba, dahil bukas pa ang mga ilaw at madami pang tao sa labas ay patuloy ang trabaho niya (Wag pong mag-alala dahil night shift lang siya). Ganito pinapanatiling malinis ang siyudad, sana lang pwede ding linisin ang utak ng mga taong nagtatanim ng punla ng pagkasuklam sa mga hindi katutubo para naman maging bukas sila sa migrasyon at pakikipag-kapwa tao.
Noon ay ang unang Sabado ng Oktubre. Taon taon ay ginaganap ang Lange Nacht der Museen (Long nights at the museum) dito sa Austriya (partikular sa Vienna). Sa ibang siyudad gaya ng Munich ay sa ibang araw naman ng Oktubre ngunit kadalasan ay sa Sabado din. Nitong taon ay mahigit sa 650 museo ang bukas mula alas-sais hanggang ala-una ng madaling araw para sa mga bisita na inabot ng 200,100 katao sa Vienna pa lamang.
(Dorotheum, mga alahas at ibang mamahaling bato ang kanilang display. Mayroon ding mga kama at ibang kasangkapan sa bahay na napapalamutian ng ginto, pilak at iba’t ibang bato. Pinakana-alala ko ay ang lapis lazuli na kwintas na nagkakahalaga ng kulang kulang sa 1000Euro)
Sa 650 na museo ay pito lang ang natapos naming puntahan ng aking panganay na anak. Ang pagsakay ng bus, tram at train at ticket sa mga museo noon ay nagkakahalaga ng 12 Euro at libre ang mga batang hindi hihigit sa labindalawang taong gulang. Mantakin mo ang laki ng aming natipid dahil kung ang bawat museo ay may 5 Euro na entrance fee (minsan ay mas mahal pa) ay aabutin na kami ng 35 na!
(Albertina, naka-display ang sining ni Picasso, ilan ni Michaelangelo at Walton Ford.)
Iisa ang lagi kong reklamo sa mga museong ito, bawal ang litrato kasama ang mga sining, sabi ko nga hindi naman kasinglaki ng Louvre pero mas suplado sila ha. lol. E yun nga, sunod na lang sa alituntunin…sa labas lang maari maglitrato.
(Mozarthaus, bahay…building ni Mozart.)
Pinakapaborito ng aking anak ang tirahan ni Wolfgang Amadeus Mozart dahil nag-aaral siyang tumugtog ng Piano at alam na niya ang bersyon ni Mozart ng Twinkle Twinkle Little Star…pinakinggan namin dito ang Magic Flute at nakita namin ang ilan sa mga gamit ni Mozart bukod sa kanyang apartment noon, nanirahan siya dito kasama ang kaniyang asawa at mga anak. Sayang lang at hindi na nagka-anak ang kanyang mga anak kaya naputol ang linya ng mga henyo sa musika sa kanyang pamilya. Di bale, sumunod naman sina Joseph Haydn at Ludwig van Beethoven sa yapak niya. 🙂
Narito ang ibang kwento sa paggala naming ito. Dito naman ang ibang kalahok. Happy LP!
yung suot ni manong parang damit ng bumbero hehehe
They wear that para madali sila makita sa dilim.
Bilib ako kay manong at maging sa ating mga MMDA…malaki ang respeto ko sa kanilang trabaho 😀
Me too. Kahit mababa sweldo nila.
wow, ang dami palang museums jan! sarap! nakakapudpod ng paa, nakaka-overwhelm, pero i’m sure masaya at maraming matututunan.
may long history ng racism at xenophobia sa Austria…bakit kaya ganon ‘no? bagong milenyo na pero di pa rin nagbabago ang panananaw ng maraming Austrians.
I hope it gets better with time.
oo nga, parang bumbero ang suot ni manong..hahah Happy LP!
gusto ko ring pumunta sa bahay ni Mozart
Bukas na ang aking entry dito
PS:Thanks if you visited my site last week. I upgraded my site to a new domain name “http://www.agent112778.com” thus my site is absent for about 24 hours during the LP bloghop. sorry for the inconvenience.
Galing mo pa rin mag Tagalog. Ang lalim pa ng ibang words.