—
Tayong mga pinoy ay maraming paniniwala na minsan nakakatuwa, nakakaaliw kundi naman ay nakakainis. 😀 Di ko nais manuya or kung anuman pero palagi akong may duda sa mga kasabihan at tradisyon. Ano ang kinalaman ng litrato sa ating tema ngayon? Sabi nila kapag daw nakakakuha ka ng isang hibla ng damong ito, hulihin mo iyon, humiling ka at hipan ang hibla upang matupad. Wala akong alam na hiling na natupad sa ganito, kung mayroon mang nagyari, malamang ay coincidence.
Kanino ba nakadirekto ang mga hiling? Ang paniwala ko ay hindi sa Diyos kasi ang pakikipag-usap sa Diyos ay tinatawag na panalangin. Kaya siguro sinabi na” Be careful what you wish for, lest it come true,” kasi maaring masama o mabuti ang hilingin ng isang tao. At kung magkatotoo iyon malamang ay may nakikinig na ibang entity sa pagkakahiling at siya ang tumupad nun. Scary…Ingat lang.
hehehe narinig ko din yan at sympre humihiling din ako :p sayang at bihira ako makakita nyan.
happy LP
di ko alam yang paniniwalang yan, kasi walang ganyan sa probinsya namin. dito ko na lamang nakita yang damong yan.
Dandelion ba ang tawag sa damong yan? 😉 Katakot naman yung last idea mo… scary nga! Naging mala-halloween tuloy ang thoughts ko bigla imbes na pampasko! 😀
Nakakatakot nga, pero, kung mayroong ganyan, beautiful wishes lang ang gusto ko.
The dandelion is beautiful!
ang ganda niyan ano. Dandelion pala yan. Kaya ako, mahilig sa mga wish-wish na yan 🙂
Ako naman eh gusto ko lang hipanin yung mga ganyan. Siyempre, hindi naman ako naniniwala sa mga hiling na natutuloy dahil diyan. Ang ganda naman ng pagkakuha niyang litrato mo.
It’s nice to be back in LP!
di ko yata alam ang “blow and wish” na yan ah! naalala ko lang, may lighted candle at haharap ka sa salamin at mag-wish ng kung anik-anik—laro namin nong high school (lol).
ka-ganda naman ng litrato mo!
Ngayon ko lang nalaman na yan ang Dandelion hehe!
Ang mga bata nga (kami rin dati!) ay mahilig kumuha ng halaman na yan (wishie-wishie kung tawagin ng ilan) upang humiling. Pag nalaglag agad sa lupa at hindi lumipad, di raw matutupad ang hiling mo.
maski ako ganyan din ang pananaw. lalo na sa mga tradistion na base lang sa haka-haka o takot.
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂
[…] Mirage wants LP members, “Be careful what you wish for, lest it come true.” […]