
—
Ang pinakamasaya kong alaala ng aking ama ay iyong umuuwi sya. Kapag nakikita ko siya, alam kong palagiang nandiyan ang aking ama. Na kahit umalis siya at maglayag sa Europa ay babalik siya at muli naming makakasama. Hindi man ako prinsesa, ako ang paborito niya…
Pero ang mga ama ay umaalis din…papunta sa kung saan hindi na sila babalik. Masakit man pero panandalian lamang yan kaibigan…kailangan lang magpaalam.
—
Itinuring ka bang hindi lamang paborito kundi prinsesa ng iyong ama? Sa mga kaibigan kong namimiss ang kanilang ama kagaya ko, ito ay para sa inyo.
He drops his suitcase by the door
She knows her daddy won’t be back anymore
She drags her feet across the floor
Tryin’ to hold back time, to keep him holdin’ on
And she says, “Daddy, Daddy, don’t leave
I’ll do anything to keep you
Right here with me
Can’t you see how much I need you?
Daddy, Daddy, don’t leave
Mommy’s sayin’ things she don’t mean
She don’t know what she’s talkin’ about
Somebody hear me out?
“Father, listen
Tell him that he’s got a home
And he don’t have to go
Father, save him
I would do anything in return
—
Kaya’t pakiusap, mahalin ninyo ang inyong ama (at ina) habang sila ay nandiyan pa. Hindi mo na kasi mgagawa iyon kung mawala na sila. (Still, John 5:28)
Balang araw ay ako rin e magkakaroon ng sarili kong prinsesa:) at pagsusuotin ko rin siya ng pink para cute:D
Mahirap mawalay sa minamahal pero kapalit naman nun ang saya kapag nakakasama sila 🙂
ayyy ang sweet naman! sige hihintayin ko makita ang inyong prinsesa! 🙂
Oo di naman uso sa panahon ang ganito. Pero alam ko love ako nang papa ko. My mom is a teacher and my dad is a salesman kaya papa ko hinde ko makikita araw2x dahil bumibiyahe nga. Pero pag dumating naman siya, ibang kaligayahan ang naramdaman naming lahat. My papa passed away 21 years ago and I missed him. Happy Thursday!
LP:Kulay Rosas
Ang sweet naman ng post mo. Anim kaming magkakapatid na babae, sa palagay ko may iba ibang paraan yung tatay namin na ipadama na lahat kami eh kanyang prinsesa. 🙂
Hi G! Been a while pero I'm back 🙂
Touching naman ang iyong naisulat lalo pa't malayo din sa akin ang aking mga magulang…
Laki na ng prinsesa mo – bilis ng panahon at halos 3 years na rin pala since nakabisita kami diyan sa maganda ninyong lugar.
Happy LP!
http://theozsys.com/2011/03/17/lp-143-kulay-rosas-pink/
ang ganda ng iyong prinsesa..
ako din namimiss ko din ang aking ama kase malayo din ako sa mga magulang ko..
Kay tagal na nung huli akong lumuha dahil sa alaala ng aking ama pero pagkatapos kong basahin itong iyong artikulo ay napaluha ako… nakaramdam ng lungkot. Marahil dahil kelan lang ay yumao din ang aking ina. Ang panganay kong prinsesa ang mahilig sa kulay Rosas at kulay Ube. Ang mga damit naman ng bunsong prinses ay halos kulay Rosas din ang karamihan, ang ilan ay iniregalo at ang iba pa ay minana din lang sa ate nya. Tama ka sa iyong sinabi na minsan ay nai-uugnay ang kulay na ito sa pagiging feminist.
Binabati kita sa isa na namang napakamakabuluhan at magandang artikulo. =)
Gizelle, naiyak naman ako sa post mo. di rin ako nabibiyayaan ng pink dati kasi mapagbigay akong kapatid: sa kanya na yung pink at akin na ang blue. tutal naman eh paborito ako ng tatay ko. kaya lang, di na kami mashado nagkikita ngayon 🙁
korek ka mare…ang anyapot ko pinabibili ng hot pink na bag ang lola nya wahahahaha naloka si lola syempre
Ang bilis na lumaki ng prinsesa mo tita G! btw d ko alam na seaman pala tatay mo, like mine..feel na feel ko isinulat mo. Kagabi lang naramdaman ko tatay ko sa tabi ko bago ako matulog…sariwang sariwa pa talaga ..
wow prinsesang prinsesa ang anak mo. gusto ko din ng babaeng anak at pink din ang mga gamit nya:)
alamo may theory ako diyan eh. sa tingin ko kaya hindi tayo mashado mahilig sa mga pink and blue "delineation of things" ay dahil hindi uso yan noon.
ngayon lang medyo big deal, dahil sa commercialization =) sell more by getting people to think they need separate colors for boys and girls. hehe, yun lang.
nakakaiyak naman ito… I'm lucky kase nandito pa ang aking ama'ng nagtuturing sa akin na prinsesa… pero mas maswerte ang ating mga anak ngayon dahil mas malalambing ang mga tatay nila at talagang ibigay lahat sa kanila matupad lamang ang kanilang mga hiling na maging prinsesa.