ā
19 March 08
ā
Hindi ako naninigarilyo. Ayoko din ang amoy nito lalong lalo na sa malamig na umaga na preskong presko ang simoy ng hanginā¦naku pag nalanghap ko ito sa taong sumakay ng bus, nauubo talaga ako. Hindi naman ako maarteā¦hindi ko lang talaga makayaā¦alam ko kung bakit mahirap alisin ang bisyo na ito pero di ko pa din maintindihan minsan kung bakit ang mga naninigarilyo ay may pagka-makasariliā¦.kasi nga sarili lang nila ang naiisip hindi ang iba. Sariling kaluguran lang nila at hindi ang kalusugan ng iba.
ā
Naging matindi ang pag-ayaw ko sa sigarilyo at amoy nito dahil sa ang anak ko ay may bronchitis. Sigarilyo ang isang sanhi nitoā¦madalas pa din siyang sinusumpong at nung huling uwi nga namin para magbakasyon ay nag-level up pa sa asthma.
ā
Hindi naman lahat ng naninigarilyo ay inconsiderate. Mayroon din namang mga nagkukubli at naninigarilyo sa kung saan walang tao. Tinatapon ang mga upos sa tamang tapunan. Yun nga lang nakakarami pa din ang hindi. Gaya ng lata na ito na makikita karaniwan sa siyudad, ang sindi ay pinapatay sa nakausling tubo tapos ay itinatapon sa lata.
ā
Paminsan ay may mga taong hindi masyadong pinapatay ang sigarilyoā¦at dahil ang basurahan ay tinatapunan din ng ibang bagay na hindi naman dapat ay sumisindi itoā¦maniwala kayo talaga namang nakakainis ang amoy ng nasusunog na sigarilyo, basura, papel at plastik.
ā
Minsan naman ay mayroong mga naninigarilyo na humithit pa bago sumakay ng busā¦bawal ang manigarilyo sa bus kaya naman sa huling hithit at buga ay itinatapon na lang sa sahigā¦kadalasan nga yung buga ay haharap sila palayo sa pinto pero wag kaā¦dahil sa hangin papasok pa din sa loobā¦patawa!
ā
ā-
I donāt smoke. I donāt like the smell of smoke especially on an early freshĀ morning. Unfortunately, smokers tend to smoke more when itās cold. So it can happen that a person getting in the bus has just finished smoking and of course, the smell stuck to his/her jacket would be so strong, I cough. š
ā
Whatās so sad too is most smokers tend to be inconsiderate and selfish. (There are those who arenāt but those inconsiderate outnumber them tenfold.) They only think of themselves, do what they want without thinking of the hazards it will bring other people. Come on, if you wanna die smoking, donāt take us with you! Do it alone! š
ā
More LP entries here.
Ā
Ā
Ayoko din po sa mga smokers. Lalo na sa mga irresponsible smokers. Ang malungkot eh halos lahat ng smokers dito sa atin ay walang pakialam sa nonsmokers gaya ng nasabi mo.
Eto po ang entry ko: http://en.wikipedia.org/wiki/USS_Bowfin_(SS-287)
Happy LP and No to Smoking! š
Corrected Link: http://siteseer.blogspot.com/2011/01/uss-bowfin-ss-287.html
sa linis ng kalye na āto, mahihiya ka magtapon ng upos ng yosi o balat ng kendi.:p
i was a smoker for more than 10 years pero considerate naman ako. i didnāt smoke in public places and in the company of non-smokers, lalo na pag may mga bata. and when i was finally able to kick the habit years ago, ayoko na rin ng amoy ng yosi. i donāt allow smoking inside my house, i tell my smoker friends that they need to step out if they want to smoke. tama ang sabi n Doc Emer, dito talaga maraming walang paki. mga tatay o nanay, they even smoke in front of their kids! hayy! my 21 yr old nephew smokesā¦parang everyday ko sya nasesermonan.
we now have the same attitude Lunaā¦though sometimes people see that as mayabang if I ask them to smoke outside š Kasi nga naman kahit winter kelangan sa labas lol
Doc, smoker si FVR pati si Noynoy right? mahirap yata mawala sa pinas yun, unlike Denmarkā¦malinis na ang mga enclosed places from smokeā¦partially dito dinā¦
ayoko din ng amoy ng usok ng sigarilyo at mas delikado pa nga na makalanghap ka ng usok ng sigarilyo kesa ikaw mismo ang manigarilyo.. kaya dapat tlga lumayo naman sila sa mga taong hindi naman naninigarilyo..
Happy LP po
eto po lahok ko: http://www.thesilentprincess.com/?p=1018
Not only smoking is expensive, it is detrimental to our health. Ayoko rin sa amoy ng sigarilyo. Buti na lang dito, bawal na sa office at sa bars and restorante.
ang sarap tingnan at tirhan ang lugar kung ganyan kalinis ito. Ako din ayoko ng amoy ng sigarilyo kaso immune na ang ilong ko kasi nagsisigarilyo si hubz š
ang linis linis jan tsaka walang masyadong tao, ang sarap maglakad.