Likas sa atin ang maglibang, sa labas man o sa loob ng bahay. Matapos ang maghapong inilaan sa pagtatrabaho ay tama namang maglaan talaga ng panahon upang ma-enjoy hindi lamang ang sarili o sariling hobbies, kundi ang pamilya din. Ganito ang nakasanayan namin at sigurado akong kayo din, sledding/snowboarding, ice skating/inline skating depende sa panahon, manood ng pelikula na pambata at kumain kapag may oras o kaya naman ay strolling lang at sightseeing (read: picture taking). Sabi nga, all work and no play makes Juan a dull boy.
(ff xiii on PS3)
Likas na siguro din sa aking asawa ang pagiging gamer. Bata pa lamang ay mahilig na siya sa mga video games at parang koleksyon pa, ang mga laro at game console, kung anong bago siguradong meron agad. Likas din na magaya ang mga anak sa kanilang mga magulang…hindi na ako magrereklamo, ok na din ito dahil homebuddies sila, ‘ika nga…sa panahon ngayon eh mas mabuti na yung nasa loob ng bahay kesa sa labas. Di ako magrereklamo kasi likas naman mababait ang mga anak ko kaya madaling turuan…so pagbigyan na paminsan minsan sa hilig nila.
(Mario Galaxy on wii)
—
Happy LP!
Aliw 🙂 ganyan mga anak ko, pag weekend, gusto nasa bahay lang 🙂
pamangkin ko rin. natatahimik lang sa PSP/DS! sigh! 🙂
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2010/lp-likas-human-nature/
Hehehe, mahina na ang reflexes do sa mga laro na iyan! Super tuwa ang mga bata!
Parang ako yung pamangkin ni Arls, ha ha ha!!
ganuon talaga kapag well behaved ang mga bata, nagagantimpalaan di ba mommy? 😉
oo nga, parang boring din naman kasi kapag trabaho o eskwela lang ang gawin. maligayang LP!
Korek! Boring naman kasi kundi ka maglilibang…