Ang lahat may hangganan, kahit gaano tayo katagal nagsama at kahit gaano kita minahal ay masisira lang din pala…iiwanan na kita dahil punit ka na! hahahaha. Bye my Burberry!
—
Buti pa ang bag ko na pang grocery, 2003 ko pa gamit hanggang ngayon ay matibay pa din. May mantsa na nga lang , di na maalis kahit anong laba. Praktikal na bitbitin kapag mamimili dahil madaling itabi kapag tinupi, at kasya ang ilang kilong bitbitin. Di katulad ng plastic at papel, ito ay matagal talagang magagamit.
Ang mga ganitong telang bag ay libreng pinapamigay ng gobyerno, malaking bawas sa basura…
Happy LP!
sayang naman, pagkatapos ng lahat-lhat sa atin, bigla mo na lang ako iiwanan, kung kelan kita kailangan!!!he he he…
o kay saklap na mawalay sa isang glamorosong bag…haha!
Aliw ang sa first entry, baka naman mabibigat ang inilalagay mo, G? 😀
Tama ka, lahat may hangganan. I love your first post.
baka pwdeng pang-museo si Burberry na. Ganda ng bag na pamimili mo sayang at nagkamantsa na.
ok na pang market yung pula
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂
waaa. 🙁 babay Burberry!
sayang, sayang…
bili ka na lang ng bago ate! ^_^
hala bumigay na si burberry. pero ang ganda ng kulay type ko! haha. buti pa ung pangrocery ang haba ng buhay.
salamat sa pagbisita. happy LP!
love the first pic… happy LP! 🙂
hehehe. si burberry naman.
pero i love your second bag! environment friendly pa.
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/