Tuwing tagsibol, ang mga bulaklak ay talaga namang kahali-halina. Isa sa mga kulay ng bulaklak na masaya akong kunan ay lila. Ito ang isa sa mga lilang bulaklak na iyon , pero hindi ko alam ang pangalan (hindi ko mahanap ang mga tulips na lila). At kung minsan pa sabi ng iba ay may problema ang aking mata, dahil ang asul para sa akin ay lila at ang lila ay asul. Ano nga ba ang kulay ng mga bulaklak na ito?
Diese lila Blume freue ich mich im Frühling zu fotografieren. Leider kenne ich ihr Name nicht. Manche hat gesagt, dass ich bin color-blind, also ich sehe Lila als Blau und ich sehe Blau als Lila. Welche Farbe siehst du?
Lastly, these are my favorite pumps. This pair is seldom used but I like the comfort I get when I wear them.
Happy LP!
PS: Salamat po sa ating ka-LP na si FF – Early Spring Blue bells ang tawag sa mga bulaklak, lalo akong napaisip tuloy kung asul o lila ba sila! 😀
Ano nga kayang pangalan nya? Para silang kampana. Magandang Hwebes!
parang ang liliit nila. 😀
Doc, hindi naman hyacinth, hanap ko pa din kung ano.
Paulala, maliit, seeds yata sila. 🙂 Happy LP!
ganda ng bulaklak….naku ano ba yan hindi ko rin sya alam..actually mahina ako sa mga pangalan ng bulaklak at halaman hehehe….
Uy I love lilca shoes 🙂
Happy LP
Naintriga din ako kung anong bulaklak yan. Bumubuka ba siya or ganyan lang talaga?
blue bonnets yata tawag diyan…yung state flower ng texas.
ganda, parang ubas! 🙂
Jeanny, ipagtatanong ko sha, next ko ipopost kung anong pangalan.
Buge,ung mga malalaking buto sa baba parang bumubuka na…pero di ko nkita, baka hyacinth ito nung bumubukadkad…
hmmm…hindi pala bluebonnet, sorry…early spring blue bells pala..hehe. meron din kami nito sa hardin pagsapit ng tagsibol! darrr!
nice shoes, by the way!
ang gaganda ng mga kumpul-kumpol na bunga nung bulaklak! Ich glaube die Blume sind Lila, nicht Blau. Ahahaha!
aha! at nahalungkat mo na ang baul mo ng mga sapatos tita imeldific G! lol! ganda ng mga bulaklak!!!
napakaganda ng unang litrato, G! kanina ko pa sya tinititigan…parang ang sarap nya kainin!:D
aliw naman ako sa shoes mo…parang di pa yata ako nagkaroon ng eggplant na sapatos.
Akala ko blue bonnets naman ang tawag sa mga litrato ng bulaklak – ang ku-cute nila tignan! Pero mas type ko ata ang lila pumps mo – bongga! Pero di ba siya mahirap bagayan? ❓
wow.. lalo na ang pangalawang larawan… wow.. 🙂
Ang cute ng mga bulaklak, lilang asul o asul na lila 😀
nice flower shot… happy huwebes… 🙂
Mukha siya prutas sa unang tingin pero ang ganda parang kampanang maliliit!! ganda ng pumps mo ah. anong size mo.
Para din syang prutas sa hugis. Ang ganda!
Happy LP!
Eto po ang lahok ko — http://siteseer.blogspot.com/2009/01/violet-sea.html
kala ko nung di pa tapos magload yung mga pictures ay balloons, yun pala ay bulaklak! ang ganda! siempre, women and shoes, i can totally relate 🙂
More beautiful flowers!!!! masarap pagmasdan and magagandang bulaklak , lalo na ito.. kakaiba
Ang gaganda naman ng mga bulaklak diyan sa lugar mo! =)
Ang aking LP ay naka-post dito. Magandang araw ng Huwebes!
bulaklak pala sila! sa unang tingin ko ay berries 🙂 hehehe
happy LP!
halos magkakulay naman kasi ang asul at lila, ang tingin ko eh lila na mangasul asul, ah ewan basta maganda ang bulaklak at siempre type ko ang sapatos
love the 2nd shot… may depth 🙂
maganda ang kuha…
sige na blue or violet magkaka-shade naman ang mga iyan…
oo nga ano .. blue daw pero parang lila rin…agaw-kulay kuing tingnan sa color spectrum. heto yong sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp43-lila-violet.html
ang cute ha!! 😀
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂
Lola, ang ganda ng anggulo ng first shot! either humiga ka sa ilalim o nasa ilalim ang camera mo..galing ha!
ano size ng paa mo? kapag sawa ka na, ibato mo lang papuntang Holland =)
ang cute naman ng mga bulaklak na iyan. parsa silang mga prutas.
LP:Lila
Definitely, maganda ang mga bulaklak. Pero mas walang kaduda-duda… gusto ko ang sapatos! Maganda 🙂
mukhang magpinsan pa yata ang ating mga flowers! ganyan din kasi ang lahok ko.
ano nga kayang bulaklak siya.. ang ganda naman.. buhay na buhay ang kulay!
glad to have helped solve the flower name mystery! hehe
Maganda ang kuha! Bulaklak pala yan? Akala ko prutas hehe.
Naku, pareho tayo… hindi natin alam ang tawag sa mga bulaklak na kinunan natin ng litrato… ang ganda ng bulakalak mo… kulay at hugis… kakaiba, parang ang sarap pitasin kasi parang mga berries. Lila nga ang kulay niyan.
ang galing ng pagka-capture mo sa bulaklak, esp the first shot.
Ang tingin ko ay lavender pero later parang naging perwinkle. Favorite ko ang color na lavender kaya gusto ko yong pumps mo.
LOL! ang ganda ng shoes at ng bulaklak!!! eye candy sila sa ‘kin! 😀
nice 🙂 ganda siguro ng mga bulaklak diyan sa germany no?