“Luntian/Green”
(Pakibasa hanggang dulo merong palaisipan.)
1 November 07
Sa Siyudad (Vienna) na ito ay maraming luntiang lugar, isang bagay na gustong gusto ko dahil mabango ang amoy ng paligid kapag madaming luntiang damo, halaman at puno. Maganda ding kuhanan ng litrato. Yun nga lang pagdating ng taglagas ang mga dahon na dating luntian ay nagiging dilaw…pero maganda pa rin namang tingnan. At hihintayin kong muli ang tagsibol para sa maberdeng mga parke na pwedeng malitratuhan.
28 April 08
Kung papasyal naman sa sentro ng siyudad, kokonti na lang ang mga luntiang puno na makikita, gayunpaman sinisikap ng marami na palamutian ng halaman ang paligid..ito naman ay isang maliit na tindahan ng mga bulaklak, kaaya ayang tingnan sa gitna ng kalsadang araw araw na puno ng mga turista (nagkataon walang dumadaan nung ito ay kunan pero kita ko ang kapirasong damit ng isang muslim sa sulok hehe).
Ang aking mga anak ay mahilig gumuhit at kumulay…eto ang ilan sa kanilang di-kulay na lapis.
Palaisipan: Sa isang puno ilang lapis ang maaring gawin? Sagutin po ito sa inyong komento, ang tamang sagot ay mananalo ng postcard mula sa akin hehe. 😉
Happy LP!
ang ganda naman ng “siyuad”…saan ba ito?
at 20 milyong lapis ba ang magagawa sa isang puno? depende rin sa laki ng puno, diba?
puedeng may postcard pa rin kahit mali ang hula? haha.
happy LP!
narito ang aking luntiang lahok…
Hi G! Mission accomplished. Tapos na tag ko. Have a good day.
FF, yan muna tawag ko sayo kasi bagong salta ako sa pahina mo. Tingnan ko kapag may pera pa padalhan kita ng ekstra postcard….=D Salamat sa pagdaan.
M, ok i’ll check, thanks a bunch!
salamat sa pag-add sa akin! FF, parang “final fantasy”! hehe.
sige, no pressure. pero i can also send you a postcard from new jersey para fair! if you want, you can give me your address para mapadalhan na kita. i’m into “postcrossing” (postcrossing.com) kasi.
add din kita sa links ko!
Hmm… oo nga naman, depende sa laki ng puno ang lapis na magagawa. Siguro di kukulangin sa 500 thousand na lapis ang magagawa. Ngunit maari rin namang ito ay isang witty na palaisipan. Hmmm… iisip pa ako! =)
Ang aking LP ngayong linggo ay makikita sa blog na ito:
Shutter Happenings.
Daan ka ha? Salamat!
ganda nung first pic and old world naman ang dating ng pangalawa 🙂
oonga saan bang syudad ito, kay ganda nga! at ang ganda ng macro ng berdeng lapis!
i’m here
nice pix!
naku, wala ata akong masagot sa iyong palaisipan… kasi depende nga ata sa laki ng puno 😛
magandang huwebes sa’yo!
napa-google ako bigla hah. hehehe! 20 million raw na pencils from one tree, i just wonder gaano kalaki itong punong ito. hehehe! kidding aside, i love your photo of the flowershop. happy thursday 😉
husay! ganda pagkakakuha..
eto naman ang sa akin
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-luntian/
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-luntian.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-luntian.html
Gusto ko yung kuha ng lapis!!! Magandang Huwebes sa iyo!
nice… around 300,000 pencils can be made from an average tree… 🙂
http://linophotography.com
ang ganda nung huling kuha…favorite ko yan 😀
cookie
http://scroochchronicles.com/
oo… presko ang luntian lalo na kung sa siyudad ka nakatira
dito naman ang aking lahok:
http://www.pinaysakorea.com
Gusto ko yung kuha nung sa colored pencil:D Speaking of pencils, ilan nga ba? Pero saan kukunin yung graphite core? Hehehe:D
napaka-photogenic talaga ang siyudad mo, Gizelle. napaka-berde ng mga halaman, asul na asul ang langit. at ang mga bulaklak, hay! kung jan ako nakatira, malamang may fresh flowers ako araw-araw sa bahay.
ang comment mo sa LP ko nakakataba ng puso. you’re very kind, G. salamat!
ang ganda ng mga kuha. iba-ibang shades ng green 🙂
Ang gaganda ng mga larawan… peborit ko yung park! Para naman sa iyong tanong… mga 20 million na lapis ang magagawa sa isang puno.
Mgandang araw!
hay, ganda naman ng mga litrato mo. kakainggit tuloy!
aray….nasundot mata ko ng color pencil hehehe.
ganda ng kuha mo i love everything here. 🙂
happy Lp
20 million daw sabi ni wiki, gizelle hihi – ang ganda naman sa austria –
trivia – dun ata talaga kinuha ng pamilya ni M ang apelyido nila nung kapanahunan ng mga Kastila – sa Tyrol
happy lp!
ayon naman sa na-google ko: “A 14-year-old ‘pinus caribaea’ tree is able to produce 2.500 pencils.” depende nga naman sa puno, e baka naman higanteng puno yung pagkukuhanan ng lapis, edi milyong-milyong lapis nga yun. 😀
Luntian sa MyMemes
Luntian sa MyFinds
ang ganda naman ng mga pictures mo! galing din ng kuha sa lapis!
ate g! gano ba size ng lapis? maliit o malaki? hehe gusto manalo ng postcard from you eh=P
galing talaga kumuha ng litrato..fans mo talaga ko! bravo!
G, sorry at uber late dalaw ko ha 🙁
Haayyy gustong gusto ko main cities sa Austria talaga, ang linis! D tulad dito sa Holland (walang disiplina)
at type ko shot ng makulay na lapises (2 eh)
Happy Sunday to yah *wink*
thesserie.com
ay di pala nakuha comment ko dito kagabi, nagloko IE ko hehe. paborito ko ung mga lapis ^^
salamat sa pagdaan, kapatid, at maligayang paglilitrato! 🙂