Noong isang linggo ay maaamoy ang kung anong mabaho nagmumula sa labas ng aming bintana. Maririnig din ang mga ibong parang nagsasabong sa kaingayan. Nag-imbestiga ako kung ano ba ang mayroon at laking gulat ko ng nakita ko ang mga kalapati na namugad sa aming balkon. Ang mabahong amoy ay galing sa sulok ng bintana kung saan tumatambay ang inahing kalapati, syempre pa ay umiipot ito at naipon na doon.
โ
ย ยHindi naman maaaring iparenta sa mga ibong ito ang aming balkon kaya pinaalis namin sila at nilinis na namin ang pinagpugaran. Pasensiya na ayokong magkasakit ang aking mga anak sa dala nilang sakit. ๐ Masaya naman ang mapaligiran ng mga kalapati lalo na kung sa isang malaking liwasan gaya sa larawan. Ito ay sa Piazza St. Marco, Venice na kagaya ng ilan pang liwasan sa ibang bansa ay pinagpapasyalan di lamang ng turista maging mga kalapati din.
โ
Madalas sinasabing wag papakainin ang mga ibong ito dahil sila din naman ang nahihirapan, sa dami ng pagkain nila ay nahihirapan na silang lumipad at pagdating ng taglamig ay natutuluyan ng manigas sa kabigatan. Gayunpaman ay di maiiwasan lalo na ang mga bata na pakainin sila.
Happy LP! Click here for more.
last year, flooded ito nang pumunta kami. nagulat ako, kasi noong first time kong makita ang piazza na ito noong 2005 ay punong puno ng tao at ang daming ibon.
maligayang araw ng LP.
i rarely came across blogs with posts written in filipino. was glad to read this. grabe, andami ngang ibon. ๐
nag daming tao at mukhang enjoy ang mga bata pa. Oo nga naman, hindi dapat masyadong patabain. Kawawa nga sila..maligayang LP!
Kakaenjoy naman yan. Gusto ko rin pumunta dyan at mag pakain ng ibon. ๐
wow! i full tagalog version ha..at lease hindi nosebleed..hahaha..
nice one.