Para ngayong Huwebes, eto ang lahok ko, dati ko nang nailathala ang litratong ito na may kasamang teksto tungkol sa kamatayan. Kahit saan natin tingnan ay ito ang malungkot na katotohanan sa ating buhay, sana ay magkaroon kayo ng oras na basahin iyan dahil may kaakibat na pangako at pag-asa ang nakaulat sa teksto.
Eto ay ilan sa mga litrato ng aking bunsong anak na malungkot o marahil ay wala sa mood =)
Maligayang Huwebes sa lahat ng kalahok.
Para sa ibang lahok, click dito.
Mahirap talagang tanggapin ang kamatayan. Isang malalim na pananampalataya lang yata ang papawi sa kalungkutang nadarama tuwing dumadating ito sa ating buhay – para makita na isa lamang itong pagbabagong-anyo.
Kawawa naman si bunso…makarga nga para tumahan! 😉
Maligayang Huwebes sa iyo!
Salamat chinois972, pero mahilig tumakbo yan at ayaw magpakarga =D
nice… magandang araw ng huwbes….
http://linophotography.com
pareho tayong bulaklak… nakakalungkot talaga ano?
magandang huwebes sa’yo…
napangiti naman ako sa malungkot na larawan ng bunso mo 🙂 ang cute e!! 🙂
thanks for sharing that verse.
Totoo na ang kamatayan ang isang malungkot na parte ng ating buhay. Minsan naiisip ko sana wag na mangyari na mawala ang mga mahal ko na alam naman natin na hindi makatotohanan. Kaya nga while I can, I am sharing my love to them.
lighter side:
cute ng anak mo…y kaya kahit malungkot o naiyak ang pic ng bata…kakaaliw pagmasdan…theres magic in it talga 🙂
jeanny
my LP#5 Entry
parang gusto ko syang amuhin…
Linnor
http://linnor.marikit.net/
hay kamatayan! isang napakalungkot na pangyayari sa ating buhay na kelanman ay di mapapantayan ng kahit na ano pa mang materyal na bagay.
malungkot
Malungkot nga ang mga bulaklak. Naalala ko tuloy ang titser ko nung HS. Sabi niya na kung gusto mong i-admire ang ganda ng mga bulaklak ay wag mo itong pitasin para mas humaba ang buhay nito.
Ang cute-cute ni bunso! 😉
malalim at malungkot ang inisip ng bata sa larawan.
ano kaya iniisip ni bunso? ang lalim nga ano?
magandang araw!
maganda ang mensahe ng iyong litrato, G. para sa akin ang larawan ng lantang bulaklak na iyan ay nagsasabi kung gaano ka-temporary ng ating buhay. so, carpe diem! 🙂
iris
http://www.naptimerocks.com
i am absolutely weakened whenever i see babies cry. look at those sad faces, nakakadala ng emotion…
Ang simbolo ng lumisan…lugmok na bulaklak (nice soft touch btw, nice shot!)
*Takbo si Thess kay bunso para laruin…nagduling-dulingan si Thess…ayun! ngumiti si bunso! buti na lang mahilig sya sa pangit*
thess
maganda yung bulaklak, pero parang nakakalungkot nga tignan, dahil siguro sa kulay, at medyo nalalanta na kung di ako nagkamali.
yung bata nasa kanan, sya yung malungkot na tunay ang dating, yung isa parang merong nang away sa kanya, hurt na hurt ang dating nya. Cute ng mga anak mo
http://hipncoolmomma.com/?p=1728
Maraming Salamat sa mga komento!
Thess, ako ang tumatawa dito! Mahilig sha sa mabait, kapag masamang tao hindi nya nilalapitan…
Hipncoolmomma, iisang bata lang yan, nung maliit pa at nung lumaki na =)
pareho tayo sa huling 2 litrato mo. anak ko din na malungkot ang lahok ko.
cute pa din si bunso mo kahit malungkot. 🙂
My LP Entry
natutuwa ako makita ang mga maliliit na bata na biglang tumatahimik at malayo ang tingin… napapaisip rin kasi ako kung ano ang iniisip nila..hehe
cathy
teka muna, kaka-spring pa lang dito sa amin, lantahan na ang usapan dito. ay sana huwag muna. 🙂
kawawa naman yung anak mo, bakas sa mukha niya ang pagka-wala sa mood. 🙂
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
Kahit na medyo malungkot ang mukha ng iyong tsikiting, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gusto kong matawa. Pang-FAMAS Awards ang lungkot na nakasaad sa kanyang munting mukha. Pero tila may malalim rin siyang iniisip. Ano kaya ang nasa kanyang kaisipan noong mga sandaling iyan? Malamang ay iniisip niya kung ano ang susunod mong ihahandang meryenda.
🙂
Hindi naman MsPartyGirl, lumang litrato ito.
Panaderos, Nagtest shoot lamang ako ng bagong camera at sha ang napagtuunan ko ng pansin, nakailang ulit naako ng kumuha ng piktyur nya at kapag sinasabi kong ‘smile’ ay sumusunod naman sha, eto ang huli sa mga kuha, ayaw na nya makinig, marahil ay napagod na, at ganyan sya mag-emote natutulala kunwari o di kaya ay iiwas ng tingin sa akin. hehe.
kakalungkot nga yung gma facial expression ng mga bata…
btw,thanks for visiting my photoblog. 🙂
ang cute naman ng anak mo. para bang kahit anong hilingin ay ibibigay mo dahil sa itsura na yan. at totoo nga, sadyang napakalungkot ang papanaw ng isang mahal sa buhay. 🙁