—
Kapag kumapal ang niyebe (na madalang mangyari), siguradong hindi lang ang mga bata ang natutuwa…ang panganay ko din a.k.a. Hubby. Maaga pa lang ay ginigising nya na ang mga bata para maglaro…at ako ay kailangan din sumama para naman may tagakuha ng litrato (waaah).
Pero kapag may panahon ay umaakyat siya kasama ang mga kaibigan sa bundok para doon magenjoy.
Sumakit man ang aking mga paa pero sige kuha din naman ng litrato, ok na nakikita ko silang nageenjoy. Siyempre pa makakapal ang suot, sapatos, schihose, jacket, gloves at bonnet. Dahil kung hindi ay kakapal talaga ang balat sa lamig. 😀
Kung wala ng niyebe ay solb na din sa ice skating. Makapal na yelo pa din 😀
Ilang taon na ba ang ‘panganay’ ha ha! Naku alam mo ba ayaw tumigil ang snow dito (North) at talagang naubusan ang Holland ng asin! Kaya ayan, ang dulas dulas sa labas, ang daming aksidente! 🙁
Ang sarap maglaro sa snow. This reminds me I need to go up to the mountain for some snow day too.
Katuwa ang iyong “panganay” at talagang nagpaka-kid-at-heart ang drama pag niyebe ang katapat – hahaha! Saludo din ako sa iyo sa pagiging “faithful paparazzi” mo – umulan, umaraw o magyelo man… Wagi ka! 😆
Kung ako ang nandyan malamang limang patong ang makakapal na damit ang suot ko. Brrr…
Maligayang Bagong Taon! Sana’y magustuhan mo rin ang aking lahok.
Ein gutes neues Jahr!!! happy LP, enjoy naman ako sa pictures ng mga bata, nice and clear shots
Naku, daming mga ka-LP na snow ang lahok ngayong linggo ah! Giniginaw tuloy ako!
Magandang araw! Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-makapal-thick.html
Nice nice photos for the theme this week. Gusto ko yong pinaka una na photo… ang kapal ng snow ano? But i can feel the fineness of it..parang great thing for halo halo!
Happy LP, kaibigan! Maligayang Huwebes din.
Kabaligtaran naman ng panganay mo ang big boy ko (read: husband) He hates snow more than anything kasi daw he grew up with it at kung pwede lang daw na huwag ng dumating ito,sorry sya dahil minsan masaya din naman ang snow huwag lang sobra tulad ng post ko.
Super lamig naman at kapal ng snow! Galing talaga ang mga bata, madaling matuto. Hhehehe, bagsak ang wetpu ko sa skating!
Happy LP!
kailan ko din kaya mararanasan at masabi na: i amfrolicking in the snow? he he, ang kapal talaga ng yelo! sarap naman ng skating ng mga bata 🙂
heto naman ang sa akin: makapal