Isa sa madalas kong ihurno sa tulong ng mga bata ay cupcakes. Mapa-tsokolate, vanilla, presa at kung anu-ano pang malinamnam na pampalasa (flavor) ay talaga namang enjoy sila. Syempre pa mas enjoy silang nagdidisenyo ng mga cupcakes o nagdadagdag ng mga kendi gaya ng nasa larawan. Sa ngayon ay cream cheese pa lamang ang madalas kong ginagamit na aysing (icing).
Sana ay dumating ang panahon na matutunan ko din ang fondant. Narito ang recipe ng cream cheese frosting kung nais ninyo.
Cupcakes, what the kids and I often bake…they enjoy doing it with me especially the decorating part.
Litratong Pinoy
Mukhang masarap ang iyong cupkeyk. Sana matikman ko din balang araw. 🙂
Mukhang masarap yan ah! Mahilig din kami mag asawa mag bake!! Kaya di ako pumapayat eh 🙂
hi! off topic. napansin ko lng header….eto reaction ko..
ABA…ABA …:))
haha! nice!
Sabi ni Una “nam, nam, nam” habang hinihimas ang tummy niya. lol! Icing lang gusto niya sa cupcakes. 🙁