
Noong huling akda, ipinakita ko sa inyo kung gaano kalinis ang mga lansangan ng Vienna, ngayon naman ay tingnan ang malinis na palengke. Medyo luma na ang mga litrato dahil po sa hindi ako mashadong nakakapunta sa mga lugar lugar ngayon hehe. Sa taas ay makikita ninyo ang aking anak na namimili ng prutas dito sa Naschmarkt, sa unang distrito ng Vienna, sayang lang dahil may allergy siya sa ibang prutas kaya pili lamang ang pwede nyang kainin. Ngayon ko lang napansin meron palang langka sa litrato!

Dito ay makikita ang isang ginang na namimili naman ng dried fruits. Naalala ko ang ating kapwa litratistang pinoy na sina Pinky at Keith noon na may feature na dried kiwis sa isang LP entry. Kamakailan ay nakakakita na din ako ng dried mangoes na hindi gawang pinas pero hindi ko pa nasubukan. Sa baba naman ay mga wine at iba pang klase ng inumin, di ko lang alam kung may lambanog sila 😀

Panghuli ay ang nut shop na ito na katabi ng honey shop. Mayroong mani, kasuy, almonds, walnuts, hazelnuts at kung anu ano pang kaseng nuts ang mabibili. Mabangong mabango ang parteng ito ng palengke lalo na kung niluluto nila ang mga kastanyas…

Nakapamili ka na ba para sa lulutuin mo? Bisitahin ang iba pang palengke, happy LP!
ang sarap siguro mamalengke dyan ang linis at daming mabibili.
salamat sa dalaw ha. ni-add na rin kita sa FB k. magandang araw!
Uy, oo nga at na-extra pa pala kami dito – hehehe! 🙂 Thanks for the free “publicity”, G!
Thank you too for introducing Naschmarkt to us! It was definitely one of the more memorable places in Vienna. Take care and God bless!