Ganito ang hitsura ng aking bunso kapag nalulungkot, namamasang mata at may patak ng mga luha sa pisngi. Bakit nga ba tayo umiiyak? Scientifically, lacrimation daw ang tawag doon. Sa mga hayop ito ay upang manatiling basa ang kanilang mga mata, para sa mga tao naman ay dala ng emosyon…tao lang ang may kakaibang katangian na umiyak kung nalulungkot o nasaktan. Ang ating luha ay may taglay na Prolactin isang uri ng hormone na nakakapagparelax sa taong umiiyak, Adrenocorticotropic na tumutulong na mabawasan ang stress at Leucine enkephalin, ito naman ay natural na pain killer.
—-
Nitong mga nakaraang linggo, madaming luha ang literal na binuhos ko. Ayaw ko man pero alam kong darating din ang araw na kailangan kong sulatin ang ganito, hindi para sa iba kundi para sa aking sarili. Sabi ng bestfriend ko, “You’ll never know the importance of someone until you lose him.” Totoo naman, parang yung kasabihan na laging nasa huli ang pagsisi. Ayoko sanang umuwi ng Pinas ng may malungkot na dahilan. Lalo na dahil malayo ang biyahe, alam kong maraming bagay akong maalala tungkol sa Daddy ko.
Ganun yata talaga pag namatay ang isang tao, puro magagandang alaala niya ang matititira at halos lahat ng bagay na makikita mo parang nagpapaalala sa kanya. Nag-aayos pa lamang kami ng gamit ganito na ang pakiramdam ko, hinahanap ko noon ang kandado ng maleta, napaluha lang ako ng makita ko iyon kasama ang mga susi na ito sa litrato. Bakit kamo? ang mga susi kasi na ito ay sa maleta ni Daddy, ibinigay nya sakin iyon noong una akong nagpunta sa Vienna, iyon din ang mga maleta na ginagamit nya noong siya ay bumabyahe bilang seaman. Dahil sa Daddy ko kaya ako nagkahilig na makapunta din sa iba ibang lugar…..gustong gusto ko din kasi marating ang mga lugar na nakikita ko sa mga litratong ipinapadala nya sa akin noon.
———-
Mahirap pa din para sa akin na tanggapin hindi ko na uli makikita si Daddy. Tao lang naman akong nalulungkot kahit na alam kong pagdating ng panahon ay makikita ko uli siya (Job 14:12-15 and John 5:28-29). Sa dalawampung walong taon kasi ng buhay ko, madalang yung nakasama ko siyang naglalakad na akay akay niya ako dahil nga madalas naman siyang nasa ibang bansa, tapos nangibang bansa pa ako 7 taon na ang nakakaraan. Pero sabi nga ni H (si hubby), tanggapin ko daw ang naging desisyon ni Daddy sa buhay niya dahil siguradong naging masaya siya sa buhay na yon, kasi natapos naman niya ang misyon at obligasyon niya sa amin. Iyon ay nang inakay niya kami na makapagtapos ng pag-aaral, na umayos ang buhay at magkapamilya.
———-
Hindi man sinabi ni Daddy, alam kong pareho ng pangarap niya ang pangarap ko. Ang makitang buo, masaya ang aking pamilya at ang aking mga anak ay mapalaki sa tamang panuntunan. Imposible ba ito? Hindi. Isipin man natin na iba na talaga ang panahon ngayon, nasa tamang paggabay pa din ng mga magulang kung paano hahasain ang kagandahang asal. Gusto ko ding magampanan ang misyon ko bilang ina sa aking mga anak.
———-
Pasensiya na at humaba ang kwento, kilala mo ba ang lugar na ito (sa baba)? Dito lang, masaya akong nagpupunta kasama ni Daddy at Mama at mga kapatid ko, sa Duty Free shops (pero yung luma). Kapag nasa Ninoy Aquino International airport, dalawang emosyon ang nararamdaman ko lagi. Una yung lungkot kapag aalis na si Daddy dahil alam kong ilang taon na naman ang bibilangin ko para makita siya uli…..tapos excitement kasi pauwi na siya ulit, magkikita na kami at siguradong may pasalubong siya sa akin, kung hindi naman pupunta uli kami sa duty free shops…
Ganoon naman lagi, lungkot kapag maghahatid at aalis, saya kapag sumusundo at babalik. Napaisip ako pagdating sa NAIA…dito ko lang kasi huling nakita si Daddy nung hinatid niya kami (taong 2005) ng pabalik kami ng Vienna. Nakakalungkot, wala siya para salubungin kami nung umuwi, nakakalungkot din hindi nya kami naihatid ngayon kahit sa airport at lalong masakit isipin, hindi na din siya sasalubong sa susunod na pag-uwi namin. Sa isang banda, parang ganun din ang paglisan niya, parang umalis lamang at nagpunta sa ibang bansa…maghihintay ako na muli siyang gumising pagtawag ng Diyos, doon sa panahong sinasabi sa Revelation 21:4 “And HE will wipe out every tear from their eyes, and death will be no more, neither will mourning nor outcry nor pain be anymore. The former things have passed away.”
Hindi ko napigilan…basa ang aking mga pisngi ng sumakay ako ng eroplano…
——
My dad’s favorite song, I like old songs because of him…Auf wiedersehen…maghihintay lang ako.
—-
My condolences…
Kahit papano, quality time naman ang napagsamahan nyo ng Daddy mo, kahit gano kadalang.
my dad passed away last year too. it’s still tough but knowing He’s in God’s embrace is comforting. condolences…
nakikiramay ako….
salamat sa pagbisita.
so sorry about what happened … our condolences, G
condolence, ako rin palaging basa ng luha araw2 dahil namatay rin daddy ko last april. salamat sa dalaw
napakalungkot naman ng mukha ng batang yan.
Condolences po.
Ganda po ng post nyo. 🙂
Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/07/lp-basa-wet.html
Magandang araw!
kaya ka pala umuwi ng pinas…condolence ha. his memory will live on through you, and it’s your turn to pass it on to your own children.
welcome back in vienna.
kakaiyak naman ng post mo, kasi wala na rin tatay ko eh, tamang-tama lang ,dumating kami ng Jan, pagka june eh nama=alam na sya, pasalamat pa rin ako at kahit papaano eh nakita nya ang dalawa kong anak.condolence sa iyo at sa iyong pamilya.
Condolences G. ….nakaklungkot tong post mo..
Salamat at naibuhos mo na rin ang mga naramdaman mo. And on the funny side, I think you have just covered the LP themes from where you left off. Once again, wipe those clouds and tears away, and welcome back. We are your cyber friends.
Oh, I am just a lurker, I am not a participant of LP.
Uy, nagpagupit ka G?
Sorry again, it does help a lot especially in the early days to really write your feelings down if you can’t talk to people about your dad’s passing.
awww.. condolence ate.. alam ko po, binabantayan naman kayo ni daddy nyo, kung nasaan man sya.. 🙂
ako rin mmalinaw na malinaw pa ang huling oras na nakita ko ang mama ko:( again my prayers and condolences to you G:)
condolence po.
my deepest sympathies…
I’m sorry for your loss G. My Condolences….
Ang cute naman ni bunso… 😀
again, G, our condolences. 🙁 sa isang banda, natutuwa ako at naisulat mo ito. kahit paano’y nailabas mo ang iyong nararamdaman. at natitiyak kong natutuwa ang daddy mo habang binabasa niya ito sa kabilang buhay. *hugs*
my condolences…
para ding namasa ang mata ko sa yong sinulat…