—
—
Ang pasko ay isa sa maraming tradisyon na hindi namin inoobserba, ito ay dahil sa matamang pag-aaral ng Bibliya at Kasaysayan. Kaya wag po kayo magtaka kung walang pagbati na nanggagaling mula sa akin. Pero ang inyong pagbati naman ay alam kong taos sa puso kaya maraming salamat po.
—
Mayroon akong regalo na talagang ipinagpapasalamat ko, sila, ang aking mga anak. Isa sa paborito kong berso may kinalaman sa kanila ay ang Awit 127:3 ” “Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon…” (Psalm 127:3 – Behold, children are a heritage from the Lord, the fruit of the womb a reward.) Kumbaga, ang blessings ko ay umaapaw na sa kanila pa lamang. Araw araw sila ang nagpapaalala sa akin sa buhay na regalo ng Diyos, sa sakripisyo ni Jesus at kung bakit kailangan kong magpatuloy na unahin ang kaharian at katwiran ng Diyos.
Happy LP! Visit our fellow LPers!
———
What is that that I am everyday thankful for? My kids. They are God’s most precious gift to me…nothing more to say. 😀
G, ang lalaki na nila, ang bilis ng takbo ng panahon. Hehehe, cute si bunso.
Happy LP!
Oo nga, G, kahit na sinong magulang siguro ang makapapagpatunay na ang mga anak ay isa sa mga pinakamahalagang regalong puwedeng matanggap natin mula sa Diyos. Maligayang LP! 🙂
Bakit nga ba sa ating mga ina eh ito agad ang unang pumasok na idea, na ang ating mga anak talaga ang pinakamahalagang regalo na ating natanggap. 🙂
lovely kids! tama ka…they are the greatest gift from God.
Merry Christmas ka LP!
Maligayang Pasko G sa iyo at sa buong familia. Ano kaya ang iyong ihahanda sa Noche Buena ngayon?
Maligayang Pasko ka LP! 😀
Happy New Year! (^0^)
hay naku…napakagandang mga regalo naman talaga nila.