Para sa tema ngayon โTulayโ โ dalawin natin ang Siyudad ng mga Tulay. Tinawag ito sa ganito dahil sa mahigit 400 na tulay na nagduddugtong dugtong sa mga kalsada ng Venice.
ย ย
Para sa mga litrato ngayon ay dalawa po ang potograpo, ako at si H, nagkamali lang ako ng lagay ng watermark, itong sa itaas ay kuha ko at ang nasa baba ay sa kanya.ย Sa itaas ay makikita ang Starhotel Splendid Suisse na talaga namang naniningkad sa pagka-pink. Ang tulay na ito ay gawa sa kahoy, mangilan-ngilan lamang ang tulay na kahoy pero siguradong matibay din naman.
Nakakatuwang tuntunin ang mga kalsada sa Venice, sorpresa ang bawat makikita at sa dami ng tulay ay maaari kang maligaw sa sandaling magkamali ka ng isang liko. Ganun nga ang nangyari, naligaw kami bago kami nakarating sa Piazza San Marco. ๐
Ito ang Rialto Bridge, ang pinakamalaking tulay na matatagpuan sa Venice. Ang tulay ay naguugnay sa magkabilang gilid ng Grand Canal. Dito din makikita ang pamilihan ng ibaโt ibang klaseng produkto.
Habang naghihintay kami ng mga gondolang makukuhan ng litrato ay kami muna ni H ang nagkuhanan hehe.
Sa 400 tulay sa Venice, malamang wala pa sa 50 ang nakuhanan namin pero hindi ko na ilalagay lahat, kulang sa espasyo :D. Sana ay nagustuhan nyo po ang aking lahok.
โโ
Gondolas, waterways, one look and you know its Venice. A city in northern Italy, the capital of the region Veneto, Venice relies on water for its transportation. The city is connected by more or less 400 bridges. No wonder Venice has been nicknamed โThe City of Bridgesโ and โThe City of Watersโ among others.
Happy LP!
Click here for more photos of bridges!
sana makapunta din kami jan. ang gaganda ng kuha. pero gusto ko ung pink na bahay sa background dun sa unang picture.
yan ang tulay, the best, napakagandang tanawin
Naalala ko tuloy CEU dun sa pink na gusali sa litrato numero uno.
Ang galing galing ng views jan ano? Sana makapunta din ako.
Magaganda nga ang mga tulay. Parang masarap mawala dyan at mag-explore.
Maligayang araw ka-LP!
maganda ang mga tulay dyan sana makabisita din ako sa lugar na iyan.
magandang LP
pangarap ko ta;agang makarating ng Venice. Ganda ng mga kuha mo.
eto naman ang aking lahok.
wish ko lang isang araw marating ko yan!
solb ka sa para sa tema ngayon! saan pa kung hindi sa venice makakahanap ng ibaโt ibang itsuura ng mga tulay!
happy lp!
buti pa sa kanila walng basura ang ilog nila ๐ kaya walang duda mas romantic jan kesa sa ilog pasig =))
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista ๐
Salamat sa pagbisita ๐
wow! ang dami ngang tulay noon! imagine 400, siguro kailangan ko at least one month stay para makita lang lahat iyon!
Ang gaganda ng mga kuha! I love itโฆ lalo yung litrato ng isang photographer.
Ang aking tulay ay nakapost dito. Gandang araw!
ganda talaga ng Venice, gusto kong sumakay ng gondola..Ganda ng mga kuha mo. maligayang LP!
Panalo sa mga homey at historical na tulay ๐ Sweet naman ninyo ๐
Ang gaganda! Para ko na ring nakita ang ilang bahagi ng Venice, salamat sa mga litrato mo. Isa rin ako sa maraming nangangarap na makapunta dyan ๐
Naalala ko nga ang Rialto at totoo yung sinabi mo na sa isang maling liko ay malamang talaga na mawala sa Venice โ nakakalito pero ang saya namang libutin! ๐ Isa pang memorable bridge doon yung Bridge of Sighsโฆ ๐
Great Venice photos! ๐
awww, yan ang isa sa mga pangarap kong makita!:) ganda, G!:)
we were in venice a couple of years ago, what a wonderful place.
Tunay na maganda! Pangarap ko ring makarating sa Venice.