—
—–
Malayo ka pa ay alam mo ng nandoon ang shop na ito. Ang Lush Vegas ay bilihan ng iba’t ibang uri ng sabon at bath cosmetics, hair treatment shampoos at kung ano pang kakikayan. Iba ibang kulay at amoy din ang nandoon. May Lavender, rose, orange, pachouli, chamomile, vanilla, green tea, jasmine at chocolate…sa bango para na silang pagkain! Wag lang sobrang amuyin minsan masakit sa ilong! Kahit na pango ako eh pasok lahat! haha
—
Sa palengke naman ang tindahan na ito pero di mo iisipin na nasa palengke ka kasi nga mabango…nakakaenganyo pumasok, at di man ako bumili, nakiamoy lang pinayagan din ako ng tindero na magpicture. Pero minsan gusto ko subukan gumawa ng sariling fragrance, siguro pag marunong na akong magcombine baka kasi masobrahan ang timpla sayang naman…
—-
Happy LP! Makiamoy sa ibang ka Lp, dito—Litratong Pinoy.
haha, okay sa advertising! “viva LUSH vegas!”
tama ka, malayo pa lang sinasalubong ka na ng LUSH na tindahan. meron din niyan dito sa new jersey, pero sa atlantic city pa…which is 2 hours away by the jersey shore. kelangan sadyain. hindi ako masyado makatagal sa loob ng LUSH dahil para akong magkaka-migraine sa lakas ng amoy! hehe.
Basta kikay store, talagang mabango.:)
oh yes, nakapabango ng tindahan na ito. i usually linger in front of the store para malanghap ang bango. at parang sarap kainin ang hitsura nila..parang keso. (lol)
alam mo gustong gusto kong mag-aaamoy ng ganyan, yung mga mababango, pero ilang minuto lang nagiging congested na ako, may headache na. allergic ako eh, sayang. kaya di ako makagamit ng perfume.
Love the wit of the Lush sign – hahaha! Oo nga, naalala ko na ang bango nga ng shop na ito doon sa branch nila sa Pilipinas – kahit sa labas pa lang e naamoy na 🙂 Pero totoo sinabi mo, pag nasobrahan e nakakasakit din ng ulo… sensory overload siguro 😉
ang sarap mamasyal diyan sigurado para magpabango:) maligayang LP!
sarap nga dumaan sa mga ganyang stores…sandali lang – hwag masyadong mag tagal at sakit sa ulo ang aabutin mo kung minsan. Happy LP!
May ganyan din dito. Lush ang pangalan. Madaling hanapin yung shop nila kasi sundan mo lang yung mabangong amoy ;0
gusto ko amoy ng lush. pag napapadaan ako sa glorietta humahalimuyak na ang amoy nito. medyo mahal lang
happy LP
I like the name “Lush Vegas”! Ang galing ng naka-isip.
Eto naman ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/10/litratong-pinoy-amoy-smell_29.html
Isa sa mga paboritong kong kakekayan place. Ganda naman ang pangalan ng tindahan, very eye catching!
Sa lalaki ng mga laki at hugis, akala ko sa unang tingin Keso! Hehehehe, kungsabagay, may amoy naman ang keso!
naku, kung ganayan ang sabon ko lalo akong mag tatagal sa paliguan at pagagalitan na ako kasi maaksaya sa tubig
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista 🙂
Salamat sa pagbisita 🙂