Bago ko simulan, isang tanong lang ng pagtataka sa mga pinadalhan ko po ng postcard, waaaah, natanggap nyo po ba???
(Gloriette , Okt 18, 02…this structure was erected in 1775.)
Dumating kami ng aking panganay na anak sa Vienna noong Oktubre 14, 2002, oo halos anim na taon na ngayon. Kahit bagong dating, ipinasyal kami ni H sa siyudad at nagkuha ng mga litrato na parang turista gamit ang lumang camera na olympus c100 (oo, adik kami sa pagkukuha…lol).
Ngayon ay nahalungkat ko ang mga ito, mga lumang litrato ng mga lumang istruktura at iba pa, kinuha sa pamamagitan ng lumang camera….
Mga seagull ba ito? Sa may Schönbrunn Palace.
Ako yang nakaupo sa bangko, pramis! Hindi ko maalala pero malamang sa harap ng isang Opera House ito.
Eto naman ay isa sa mga simbahan ng Nuremberg, Alemanya na napapaligiran ng mga pamilihan.
—
Hindi kalumaan, kuha noong nakaraang taon…Ang museong Louvre na binuksan noong 1793, totoong luma na! Eto din ang kaunahan kong lahok sa LP para sa theman tatsulok. 🙂
—
Happy LP!
Ito ang gusto ko sa Europa, ang daming magagandang arkitektura! Ang gaganda ng kuha…gusto ko yung litrato mo sa may opera house!
Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!
Ang gaganda ng litrato! Pero pinakanaaliw ako sa mga seagulls! Para silang mga sundalo!
gandaaa! lalo na iyong harap ng Opera house na iskultura. Sana, makapunta ako diyan balang araw.
Ang ganda ng mga kuha! 😀 Mine is posted HERE. Happy LP!~
Kahit luma maganda pa ring pagmasdan Gi, mabuti pala at naitatago mo pa rin ang mga larawang kuha mo. Maligayang LP, ups…wala ako entry. Busy talaga…hay. 🙂 bawi na lang ako next time *daw* lol!
eto ang maganda sa europe, maraming lumang gusali..sana lang makapunta ako 🙂
Wow, higante ang mga istatwang iyan! Ang ganda naman at ang dami mo nang nakitang mga lumang gusali at istruktura. Gusto yung yung litrato ng simbahan sa Germany.
Katuwa naman yung mga seagulls na lined up all in a row! 🙂 Ganda talaga ng mga tanawin sa Europa ano? Kahit luma na, hitik pa rin sa kasaysayan at karakter. Nice pics!
uy, meron din akong natatagong larawang ng mga ibong nakahilera. pangarap kong makapunta ng austria…pangarap naming mag-ina. mangilan-ngilan na rin ang mga bansang pinalad kaming mabisita sa europa pero hindi pa ang vienna.
ang ganda ng louvre ano? i love the louvre. hee hee. 😀
NapakagandangLugar at for sure rich in culture!!!!
At least sa pagtingin na lang sa larawan mo ay manggha na ako sa ganda,,,
Good day!!!
WOW! ang ganda talaga ng mga structures jan sa bandang europa! nakakamangha!
maganda nga po. 🙂
antigo talaga ang mga buildings pero kahit ganon, magaganda at matitibay pa rin… 😀
nasayo pa bang ang lumang camera na ginamit mo pangkuha ng mga litratong yan?
matagal ko nang hinihintay yung postcard na pinangako mo sa akin pero walang dumating 🙁
yun yung nakatamang sagot ako sa tanong mo noon about pencils from an old tree….hehe.
magaganda yung mga lumang litrato mo…kabigha-bighani yung sa nuremberg.
wow tagal mo na pala diyan. alamo gusto ko rin marating yang lugar niyo at ang louvre sa paris! kailan kaya yun? 🙂
uy pupunta ako sa Munich nitong Nobyembre! gusto kong puntahan yang simbahan sa Nuremberg. magkalapit lang kaya yun? I will be staying at a hotel in Unterhaching.
sana lang may kakilala ako sa Munich para may kasama akong magliwaliw. mag-isa lang kasi ako dun. and I will be there for 3 weeks.
ang ganda talga sa europa…isang pangarap sa akin ang makarating dyan. 🙂