Kadalasan kapag binanggit ang laruan ay may kinalaman sa bata agad ang naiisip natin. Sila kasi ang mahilig maglaro pero kailangan din nating mga nakatatanda ang may sariling oras para sa laro, enterteynment at pagrerelaks. Sabi nga; All work and no play makes Juan (or Jack) a dull boy.
Kaya naman narito ang dalawa sa paboritong laruan ng aking panganay na anak, kilala din sa tawag na Mister. 🙂 Lumalaki na ang batalyon pero ok lang dahil enjoy naman siyang pinapalipad ang mga ito kasama ang 3 bata na enjoy din nanonood. Paminsan minsan, sila din ang piloto ng mga helikopter na ito.
Dahil mahilig din siyang magtagni-tagni ng video ay naging trabaho ko na ang magkuha ng video habang nagpapalipad siya. Kinabitan niya din ng video ang mga helikopter na ito na parang espiya hehe.
Patuloy din akong nagpapraktis sa pagkuha ng video at heto ang kauna-unahang flight niya at video ko naman. Iyon namang camera ang nagiging paborito kong laruan…Babala: nakakahilo!
When we say “toy” We immediately think of kids. Simply because kids love to play but we kids at heart (read: older people lol) also need sometime to play, entertain ourselves and relax. The saying All work and no play makes Juan (or Jack) a dull boy is very true after all.
Two of my hubby’s favorite RC helis are featured here. He loves taking them out on flights while I record everything on video…sort of a practice for me too! That’s why the camera has become my favorite toy! 🙂
—
Happy LP! Click upper logo to join or view other participants’ entries.
OK ang team ninyo, ah! bawat isa nag e-enjoy!
hahaha, ganyan din b/day gift ni husband dis year. sha humingi nyan. hahahaha.
hahaha kakaaliw naman…toys for big boys. buti na yan kaysa totoong helicopter ang gustong paglaruan.:p
bongga naman ng mga laruan ng anak mo:) kakatawa! maligayang LP at manigong bagong taon!
wow. nice bonding nyan hehe. weeeeee.
HAPPY LP PO 🙂
Happy Three Kings! ganda naman ng toy nya;)