Alam mo ba ang haka-haka tungkol sa kung sino ang tunay na ama ni Hitler? Hindi ko alam kung saan nagsimula ang biruan na ito, malamang ay sa mga tagataguyod ng ating pambansang bayani o di kaya ay sa mga taong sobrang mag-isip…sabi nila si Dr. Jose Rizal daw hihi.
Ito ay may kinalaman sa pagdalaw ni Dr. Jose Rizal noon sa Vienna at mga kalapit na siyudad. Kasama noon ni Rizal si Dr. Maximo Viola, siyangt tumulong na malathala ang librong Noli me Tangere. Ayon sa kanya nooong sila ay nasa Vienna, Rizal “encountered the figure of a temptress in the form of a Viennese woman, of the family of the Camellias or hetaeras of extraordinary beauty and irresistible attraction.” Nagkataon naman na ang ina ni Hitler ay nagtrabaho sa isang hotel sa Vienna noong panahon ng pagbisita ni Rizal, nagkataon na ang pangalan ng ina ni Hitler ay Klara, ang isa sa mga pangunahing tauhan sa kanyang dalawang obra maestra ang Noli at Fili.
Ok, ano ang kinalaman ng litratong ito sa kwento? Sa parke na ito dating nakatayo ang Hotel Metropole n kung saan namalagi sina Rizal ng ilang araw. Noong panahon ng Digmaan ay ginawang HQ ng Gestapo. Natamaan ng bomba ang isang bahagi ng hotel pero tuluyan itong giniba dahil sa masasamang alaalang naganap sa Hotel…sa mga biktima ng pang-aabuso at torture. Sa ngayon ay mayroong nakatayong memorial stone para sa mga biktima ng digmaan, Paki-click dito para sa istorya tungkol dito.
Sa gusali namang ito (pink) ay may pananda na nagsasaad ng pagbisita ni Rizal.
There’s a facetious speculation circulating the cyberspace pointing Dr. Jose Rizal as the father of der Führer Adolf Hitler. The rumor spurred from the hero’s 3 day-visit in Vienna on May 1887. Though Hitler was born in 1889, there were lots of weaved stories pointing that it was not the correct date. The theory is further flamed up by the name of Hitler’s mother, Klara, coincidentally a character in Noli.
Rizal was accompanied by Dr. Maximo Viola, the financier of Noli, and stayed at Hotel Metropole, Morzinplatz, at the heart of the city with a view of the Danube Canal. During the war, the building was hit by a bomb and subsequently destroyed to eliminate memories of prisoners’ death as it was used as Gestapo’s headquarters. To this day, there stood a memorial stone for the victims. Walk just a few steps to the nearest building, there is installed a marker dedicated to Rizal as a gesture of the Philippine Embassy in Austria to commemorate the hero’s 134th birth anniversary in 1995.
—-
I finally unearthed these photos, 3 days na hinanap lol. Happy LP!
buti at natagpuan mo pa ang mga litratong ito..
Happy LP!
i heard that rumor once, but i wasn’t sure about it either. interesting…haha. nice info to share for this weeks theme. hope you can check out mine 🙂
http://www.yapatoots.com/2009/05/alam-niyo-ba-do-you-know.html
wow history ito…eheheh =) ganda ng mga litrato..sarap s amata =)
narinig ko na rin ang haka-hakang yan. Hanep talaga ang imahinasyon ng mga tao 🙂 magandang araw!