Today’s theme is Ang Pagwawagi/The Winning/Victory
Maraming bagay ang pinagbabasehan ng tao ung paanong sasabihin siya ay nagwagi. Sa mga paligsahang sumusubok ng talino, sa palakasan, sa simula ng pag-aaral hanggang sa pagtatapos ng kolehiyo. Maari ding sabihing ang isang tao ay ‘wagi’ kung siya ay nakahanap ng trabahong akma or maganda.
Sa isang relasyon paano mo masasabing wagi ka? Hayaan ninyong ikwento ko ang isang istorya na hanggang ngayon ay lagi kong inaalala tuwing sumasapit ang pagkakataon na nag-aaway kami ni H. Hindi siya yung tipo ng tao na sinasabi ng diretsuhan ang kanyang nararamdaman. Isa siya sa mga pirming naniniwala sa kasabihang, ‘Action speaks louder than words.’
Iilan lamang sa mga kaibigan niya ang masasabi kong nakasama at nakilala ko noong panahong nagkakakilanlan kami ni H. Noong kami ay kinasal na, maraming mga pagsubok ang aming pinagdaanan…mga panahong ako ay nalilito at kung minsan gusto na lamang sumuko.
Mga katagang pampalakas at nakakataba ng puso ang narinig ko mula sa isa niyang kaibigan ng maibahagi ko ang aking mga pagkabalisa. Sinabi niya na noong minsan ay ganito ang sabi sa kanya ni H minsang seryoso ang usapan: “Alam mo pag kasama ko si G, feeling ko palagi akong panalo.” (O, di ba wagi ang lola nyo!)
Makulay ang aming pagsasama katulad ng obra ni Warhol. Minsan masaya, minsan magulo, minsan makulit, minsan naman may nakikisali. Pero anupaman, ang pagwawagi naming dalawa ay yung lumubog ang araw na kami ay walang sama ng loob. (Efeso 4:26, 27)
Sabi nga: ‘a happy marriage is the union of two good forgivers,’ kaya sure ang pagwawagi kung tatandaan ito!
Eto naman ngiti pa lang wagi na ang puso ko 😉
Pero matagal pang panahon bago ko malalaman kung ako ba ay magwawagi bilang ina.
—
Panghuli, pagwawagi rin ng malaman ko ang tunay na layunin ng Diyos, kahit sa pagkakaalam pa lamang ng pangalan niya, mayroon ng pagwawagi na naibigay ito sa akin. Para sa akin, ang tunay na pagwawagi sa buhay na ito ay ang makapagbata hanggang sa huli…para sa totoong buhay (sa Paraiso).
“Let us run with endurance the race that is set before us.”—HEBREWS 12:1.
Happy LP po sa inyong lahat!
Normal talaga sa mag-asawa ang minsan ay hindi nagkakaunawaan, at ang importante nga gaya ng sabi mo bago lumubog ang araw ay kailangan maayos na ang anumang di pagkaintindihan. Effective di ba? Ganda ng sinulat mo G. Tunay talagang wagi ang mga ngiti ng tsikiting kahit talunan man sa ibang bagay sila ang da best na premyo. Hehe…haba ng comment ah.
wagi ka, G 🙂 totoo din mga sinabi mo. in many ways, being a wife and mommy have victories. they’re not always as big as getting a pulitzer, pero naman. iba naman ang trabaho natin! 🙂
happy weekend!
winner ka talaga, g. love this post. tama yan, dapat hindi natatapos ang araw na may samaan ng loob.
naaaliw talaga ako pag nakikita ko pics ng mga anak mo…
tapos bigla akong kinakabahan. sana winner din akong mommy… soon! LOL!
Waging wagi!