—
—
Noong bata ako ay pinangarap ko maging isang musikero…tapos ay pinangarap ko ding maging pintor. Nang malaon pinangarap kong maging isang abogado. Sa huli ay pinangarap kong maging isang manunulat. May natupad ba kamo sa mga pangarap ko? Meron naman yung huli, sa maikling panahon ay naging manunulat ako ng iba’t ibang tema at naging potograpo din na nagpi-print ng mga litrato sa darkroom. Sabi nga -gahiblang panahon lang….pero ok na din yun, masaya na ako na naranasan yun. Sabi nga nila, first love never dies, kaya naman sa ngayon pinipilit ko pa din mag-aral tumugtog ng gitara. Kaso lang nagiging busy na naman kaya naalikabukan na naman siya…
—
Eto naman ang mga hibla na pampabango at pangkulay sa paella…sabi nga sa restaurant city, ito ang pinakamahal na pampalasa…aba kelangan sulitin ang paggamit di ba? Nandito ang recipe ng paella kung nais ninyo.
Happy LP!
I like saffron! Great pics…all fibrous 😉
Happy LP!
sasabihin ko plang mas magkapatid ang lahok natin eh, galing ka na pla sakn hehe! sa anak mo rin yan no! and yes, kulang nga ng gitnang string :)linaw ng mata mo! lol!
penge ako ng saffron 😀
maganda ang pagkakakuha sa larawan, importante talaga ang saffron sa paggawa ng paella at lugaw na rin
oo nga, relatives ang ating lahok, 🙂
Ang musika daw ang language of the soul 🙂
sarap ng paella, yum!
masarap ilagay ang safron sa paella. yummy
Happy LP
G, pahinge ng saffron, may kamahalan iyan dito, kaya bihira lang akong magluto ng paella.
Go….and follow your dreeam!
Sa larawan mo ng gitara ay biglang naalala ko ang pangako ng Tatay ko sa akin: na sa aking graduation sa elementarya ay ibibili niya ako ng gitara. Nakatapos na ako ng high school, tapos kolehiyo, ay hindi pa rin ako naibili ng gitara hahaha!
Saffron..hmn, wala po niyan dito sa mahal kong probinsya eh… 😀
naaalala ko, natutunan ko lang itugtog sa gitara ay D-A-G! 🙂
happy huwebes! ito naman ang aking lahok sa linggong ito: http://sunshinearl.com/2010/lp-hibla-string/
Ginto nga ang halaga ng saffron sa Europe…samatalang sa tindahan namin sa palengke ay piso isang kutsara! (that was 2 decades ago lol)
Tita G, ituloy mo lang pag gigitara kahit pasilip silip ng oras. Now I miss my bass guitar tuloy!
Kung di man paella, puwede rin si arroz caldo ilagay ang saffron for that added “oomph” – hehehe 😉 Nice shots, G!