—
(guhit ng aking apat na taong gulang na anak)
…
Isang araw nang aking sinundo si bunso sa Kindergarten ay ipinakita sa akin ng Pedagogue ang larawang ito. “Ako iyan” (Das bin ich) ang ibig sabihin ng titulo. Ang sabi ng pedagogue ay natuwa sila ng iguhit ni bunso ang tila batang imahe dahil nilagyan daw niya ito partikular ng leeg. lol. Hindi daw lahat ng bata ay naiisip na lagyan ng leeg ang mga drawing na tao…Ang sabi naman sa akin ni bunso….”tingnan mo mommy, brown yan, kasi ako brown,” habang tinataas ang kanyang manggas upang ipakita sa akin ang kulay ng kanyang balat.
…
—
Sa aking tatlong anak, si bunso ang may pinakamatingkad na kulay. Gayunpaman, siya din ang pansinin at kung minsan ay huli na kapag makikita ko ang mga tao na kinukurot siya sa pisngi o hinahawakan sa buhok kapag kami ay nasa labas…harhar! Happy LP!
das so cute!!!
ang cute nya. bakit cya umiiyak duon sa isang larawan.
naku, intilehente ang anak mo…kakatuwa pa. maligayang LP!
awww, ang cute! at malusog din! di kataka-takang maraming nabibighani sa kanya 🙂
napaka cute talaga ng batang ito… hindi sya tulog dito ha, in fairnez! hehehe… at ang galing mag drawing!!!