—
—
Minsang naglalakad ako pauwi ay natanaw ko ang Karatula na ito ng iba’t – ibang Siyudad at Lansangan. Shempre pa dalidali akong nagpiktyur, kahit na telepono lang ang dala.
Hindi ko ikinakaila ang paghanga ko sa kalinisan ng Siyudad ng Vienna. Ang pangalawang litrato ay kuha taong 2007 at tag-lagas at taglamig noon pero may nakikita ba kayong dahon sa lansangan? Wala…dahil ang mga iyon ay maya’t maya winawalis. Mapapansin dito ang karatula na nagsasaad ng daanan para sa bisikleta at tao, nakasabit din ang basurahan para sa mga upos ng sigarilyo.
—-
Ang ikatlong litrato naman ay may karatula ng mga lugar na pwedeng pasyalan sa Sentosa, Singapore. Shempre Ingles kaya di ka mawawala!
—-
Bonjour, Mademoiselle! Sabi nila pinakaromantiko daw ang Paris sa lahat ng mga Siyudad….well, siguro nga pero hindi ito ang pinakamalinis sa paningin ko lol. Anu’t ano pa man, nakatakda akong muling bumisita doon kung may pagkakataon…Pero malamang kahit may mga karatula ay mawawala pa din ako, mas mainam na matuto kahit kapirasong French para dito.
Pinakapaborito ko ang lansangan ng Venice, pero sa susunod na pagkakataon ko na lamang ito isasali hehe. Happy LP!
Yung unang litrato, gusto kong makarating sa lahat na lugar na iyan. Pwede ba around the cyber world in a few hours.
Akala ko pa naman malinis ang Paris. Buti ka pa magkalapit ang magandang pasyalan diyan sa Europa!
Hehehe, enjoy ako sa LP, hanggang sa sunod na kabanata.
ang cool naman nang unang litrato…
and buti ka pa, nakapunta ka na sa Sentosa.
Almost 6 months na ako dito sa Singapore, d pa rin ako nakapunta dun.
Gleng ng post, I enjoyed the photos.