Gaano ba kabilis lumipas ang panahon? Ah, parang kahapon lang ganito lang sha kaliit noon, labing-anim na buwan pa lamang. Sa loob ng mga buwan na iyon ay natutong lumakad, magsalita, ngumiti, pumalakpak at kumanta.
Malinaw pa sa aking alaala ang pagsisimula ko sa pagiging ina, na kahit hindi ko naman pinag-aralan sa eskwela, alam ko na ang gagawin ko…kapag siya ay umiyak, pagkatapos niyang uminom ng gatas, kung paano siya paliguan, kung paano siya patawanin, kung paano siya mahihimbing sa pagtulog.
Lumipas ang mga taon, lumaki na siya, tumangkad, humaba ang buhok, natuto ng maraming salita, natutong mangatwiran, natutong sumagot. Maraming nangyari, maganda, malungkot, nakakatawa, nakakatakot, minsang nakakapagpagalit din. Natural yata sa isang ina ang maging mahigpit sa mga anak na babae nila. Ngayon ko nga naiintindihan ang madalas na sinasabi ng nanay ko ‘Maiintindihan mo din ako pag nagkaanak ka na…’ Hindi nga madali magpalaki ng anak, lalo na sa panahong ito na talaga namang iba sa kinalakihan ko (or natin).
Gayunpaman, sa kabila ng mga di magagandang pangyayari, patuloy kong maalala kung paano sa aking anak, ako ay isang ina.
(ang kanyang ngiti na hindi nababago – her signature smile)
How fast does time fly? Ah, it seems just like yesterday she was 16-months-old. In those months, she learned how to walk, talk, smile, clap and sing.
It is still very clear in my mind, the beginnings of me being a mom. Though I didn’t learn it from school, I know what to do…when she cries, after she drinks milk, how to bathe her, how to make her laugh, how to put her deep into sleep.
Years passed, she grew, hair got long, learned lots of words, learned how to reason, to answer back. A lot of things happened. Good, sad, funny, horrible, some that could make me angry. Maybe its natural for moms to be a little strict with their dughters. It is only now that I understand what mom used to tell me ‘you will understand me as soon as you have daughters of your own…’ It really isn’t easy to raise a child these days, one very different and difficult from what I had (or yours).
However, despite the not so fond things that happened, I will always remember how, to my child, I am a mother.
—-
Happy LP to all. For more, please visit LitratongPinoy.
aww…that was sweet. I think I am also a strict mom to my kids esp my 2 girls. Tama ka, maiintindihan lang natin ang kahigpitan ng ating mga magulang noon kapag tayo’y nagiging magulang na rin.
AAng cute ng mga larawan at ang galing mo pala mag-scrapping.
ang bilis talaga lumaki ng mga bata ‘no? i don’t have a kid, but i have a little cousin who’s like a sister to me. she’s 13 years old now but i still treat her like she’s 5. hahaha. inis na nga sya sa akin but it’s so hard not to baby her because she’ll always be a baby sis to me!
Mga kataga ng isang mapagmahal na ina, awwww!! Sana mabasa ni Alexie ito ngayon at sa darating na panahon…tyak maiiyak yun!
Tita G, nice entry (^0^)
ps. Hindi na si Charlie ginamit ko at ayaw daw nya ma expose sa public har har har!
oo nga, ambilis lumaki ng mga bata. kakatakot isipin pero that’s life.
Naku, konti pa, magiging sakit na ng ulo, lalo na ‘pag tinedyer, hehehe:P
ang bilis nga ng panahon! kahit ako minsa’y napapatitig na lang sa aking anak pag naiisip kong noo’y karga-karga ko lamang siya at ngayo’y malaki na.
talagang ang bilis ng panahon, tingnana mo, ni hindi mo mamamalayan dalaga na sya, hehe
your daughter is sooo lovely. time does fly so fast when it comes to kids. 🙂
ibyang
ayun…sa wakas gumana rin ang comment form mo…hehe. ayaw magpa-post nung una.
ang cute naman ni alexie…watch out…maya-maya, dalaga na. 🙂
Touching. Ngayon pa lang ako nagsisimulang makarelate sa mga magulang. Isisilang ang aking unang baby girl sa Marso.
Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.
ay o nga di nagbago ang kanyang mga ngiti
Me dalaga ka na pla at she’s so pretty and with the nice smile..maraming iirog sa kanya!
Hay bilis ng panahon!
very touching entry! alexie has grown so much! nakakatuwa ang iyong dalaginding!
how pretty! ang bilis talaga lumaki ng mga bata. nagugulat ka na lang na dalaga at binata na sila.
G, naiiyak ako bilang nanay… ambilis ng panahon! ang baby, nagiging bata. tapos, teenager. tapos adult. tapos iiwanan ka na…
haay, kung pwede lang silang laging bata 🙂
happy LP!