Eto ang kamerang nagustuhan ni hubby na bilihin noon para sa akin, mga 2 taon na yata ang nakakaraan. Nagpasalamat ako siyempre pero hindi naman ito talaga ang gusto ko. hehe. Ang gamit ko noon ay ang Sony cybershot F717 na talaga namang minahal ko at tunay na pinakinabangan. Mahaba din ang lens ng kamerang iyon pero hindi naman singbigat nitong Canon. Kayo ko nagustuhan ang kamerang iyon ay dahil matinding pumokus at ok na ok sa macroshots. Sa ngayon hindi ko na nadadala araw araw ang kamera, mabigat talaga siya kaya naman wala na akong mashadong mga bagong litrato na nai-stock. At kung halimbawang mayroon akong gustong kuhanan ng litrato ay sa telepono na lang. Gaya ng halimbawa sa baba.
Gamit ang aking Sony ericsson K770i ay kinuhanan ko ito habang hinihintay matapos ang piano lesson ng aking unica hija…ang tatay na binibihisan ang kaniyang anak para naman sa ballet classes niya (mas malinaw nga pala ito kesa sa iphone camera o siguro ay di ko pa mashadong kilala si iphone). Kadalasan ay ang ina ang nakikita kong kasama ng bata pero sa pagkakataong ito, na kung kailan wala akong dalang kamera ay siya ang sumama. Dahil sa mga eksenang ganito na gustong gusto kong kinukuhanan ng litrato ay para bang gusto kong bumili ng isang point and shoot na dudukutin ko lamang sa bulsa, mayroon din namang zoom features ang mga point and shoot kaya carry na! Sabi nga, it’s the indian not the pana! lol…feeling! 😀
Happy LP! Dito for more entries…
—
I have a soft spot for moments as this, a dad and her daughter, a mom and her son showing affection. Imagine how I sometimes would cry (secretly of course) seeing hubby happy and fulfilled when he hugs our little boy. That connection may be the best example for the song line that goes, how one life touches the other is so hard to understand…
PS- I lost all your links so pakiiwan na din, pa-exlinks po! thanks!
Totoo, downside ng dslr ay mabigat at bulky 🙁 kaya hindi rin nawawala ang camphone sa bulsa dapat ha ha! Love to see such moment! sweet ng daddy 🙂
Ang sweet naman ng picture na ito 🙂
(bigyan mo sila ng kopya kaya lang mabubuking ka na kinunan mo, hehehe)
Happy LP!
Sweet talaga yang mga ganyang moment,talagang nakaka touch.
****
Pareho pala tayo ng predicament pagdating sa DSLR natin, ako nga tuwing may mga simpleng occasion or biglaang naisipan na kung ano,minsan ako pa ang na O-OP (Out Of Place) kasi ang laki ng camera ko while the others are using the pocket size.
Gusto ko ring bumili ng P/S, pang stolen moments photos, hehehe!
Pssst, luma ang celpon ko series 2005 walang cam…..
K700i din ang fon ko noon at talagang maayos ang kuha niya sa mga litrato:) ang swit naman ng mag-ama 🙂 maligayang LP!
kaya lab ko ang aking P & S, kahit saan pwedeng bitbitin. mabigat nga ang DSLR at mainit pa sa mata, lalo dito sa atin. baka magkakaratehan pa kami ng snatcher (LOL).
ang debate pa rin ay nauuwi sa functionality vs. convenience! hehe.
Same here pag wala cybershot camera ang saver natin ang cel k770i. pareho tayo kapatid.
http://www.rachelcay.com/2010/01/lp-maibigan-o-magustuhan-likes.html
ako naman almost everyday bitbit ang “memphis” ko. pag tinatamad pindot sa iphone na lang. pero agree ako, wala sa pana yan nasa indian. hehehe ! p.s. ang sweet nga ng picture, kaya dapat laging handa ang camera eh kahit ano pa yan to capture the kodak moment ikanga! 😀
which is why i’ve been wanting an Olympus mu (shock proof, water proof). kasi bring anywhere, kahit sa beach! imagine nagdadala tayo ng slr sa beach? hehe.
and i really agree, if the indian is a native, then kahit walis tambo magaling pa rin! haha.
ano nga ba ang canon mo? ako rin most of the time mobile upload na nga lang sa FB! lol! kc nga bulky talga, pro i’ll try harder to bring it na ulit with me wherever:)
Galing mo, Indian! Napana mo talaga ng maganda ang emosyon sa pangalawang kuha 🙂