Ganito ang usapan namin ni bunso noong nakaraang taon:
D: Mama, anlaki ko na no? (Mom, I’ve grown bigger no?)
G: oo, malaki ka na kaya hindi ka na baby, kukuha na lang kami ng baby, yun maliit pa para papalitan ka na. (Yes, you’ve grown and you’re not a baby anymore, that’s why we’re gonna get another baby, a small one to replace you…) — jokingly of course.
PAUSE.
.
.
D: aber (but) si daddy mas malaki sakin di ba? (But Daddy is bigger than Iam, right?)
—
Kung nakaupo ako noon, malamang nahulog ako. (I would have fallen off if I were sitting on a chair.)
Totoo naman na lumaki na si bunso, limang taon na siya at kabilang na siya sa mga batang Vorschulkinder sa kanilang Kindergarten, ibig sabihin ay papasok na sila sa eskwelahan sa susunod na taon. Kumbaga ngayon ay nag-aaral na sila ng mga bagay-bagay gaya ng kulay, hugis, pangngalan at pagsusulat kahit kaunti lamang. Hindi gaya noon na puro laro lamang.
Lumaki na nga siya, ang hilig kasi kumain ng macaron kaya ayun, tumaba ng tumaba. lol
—
for Litratong Pinoy. HappyLP!
nyahahaha! o, nayari ka!
cute! tabaching-ching!
hehe! gusto nya di lang cya ang papalitan pati c dady! 😀
ang cute ng baby mo, ay di na nga pala baby, pero siyempre sa ating mga mommies they will always be our babies kahit na nga lumaki pa sila na mas malaki sa atin, diba? 🙂
ha ha ha, oo nga naman bat di unahin palitan si daddy 😉
hahaha…
simple logic, but very funny! according to size. i’m big, he is bigger…
Hahahaha! He is funny, oo nga naman dad is bigger so he would be replace first lol. Just visiting here… I hope you can pay a visit too in my blog thanks!
Ahaha.. natawa ako dun.. He’s so cute and adorable. 🙂
Ang cute ni bunso! Sarap pakinggan ang mga conversation ng mga bata.