Naalala nyo ba sa bawat taon sa School at Kindergarten ay mayroon tayong class picture? Ito naman ang group picture ng mga bata sa kindergarten. Taon taon ay gumagastos ang mga magulang para sa set ng mga litrato ng kanilang mga anak na iba iba ang laki, mayroong black and white at stickers.
Β Β(layout,graphics ni hubby)
Sa mga nakaraang taon, marami sa mga litrato ng mga bata ay hindi ko kinukuha, kaya malamang nalulugi ang photographer hehe. Kasi ay hindi ko gusto ang mga pagkakakuha ng mga litrato ng aking mga anakβ¦(stagemama nagpoprotesta!) Kaya naman ngayong taon ay nagpasiya ako na magpropose sa kanila na maging photographer. Medyo nahirapan lang akong maghanap ng magandang printing service kaya inabot ng 3 linggo ang mga litrato π Pero sa wakas, natapos at naibigay na namin sa mga magulang ang mga litrato.
Eto ang pinakapaborito ko sa mga litrato ng mga bata. Medyo mahiyain kasi ang batang ito pero natuwa ako dahil cooperative siya at napaka-cute pa!
Sa ibaba naman ay ang malapit na kaibigan ng aking bunsong anak, ganda ano? Natuwa ako sa komento ng kanyang ina dahil sabi nya ay para daw painting heheβ¦.kaya malamang bibigyan ko siya ng puto-mix dahil favorite nila ang pinoy food na ito heheheheβ¦.
(Napakahirap ng temang ito, buti naman at natapos ko din!)
Happy LP! Click here for more!
(Sehr Geehrte Eltern, Erlauben Sie mir bitte, die Fotos der Kindern in diese Web site einzusetzen. Danke. )
Maganda βyung effect. Buhay na buhay ang mga larawan. π
Wow, Austrian na mahilig sa puto! Meron pala non! Hahaha! π Very nice creative shots, G! Am sure di na nila ininda yung 3-week waiting period nung makita ang finished product π Hope you had a most wonderful momβs day too! Take care!
huwaw! G! gusto ko rin gawin ito!:) pahiram naman ng proposal letter! wahahaa! galing!
wow! may bulaklak pa talaga ha! cute ng mga kids!
maligayang huwebes!
ang ku-kyut ng mga bata. galing ng kuha mo. :)gusto ko iyong pinakahuli:)
Hi! ang gaganda naman ng mga batang yan with matching flowers pa, nice and clear photos
Nice, soft touchβ¦galing tita G!! part time work na? ituloy tuloy mo na!
ang cute ng mga bata! π sana may ganyan din sa school ng anak ko.
wala pa ako sa ganung level na magvolunteer na kumuha ng litrato nila. hehe
cuuute ng mga kiddies!!! At ang galing mong mag-pichure-pichure huh?
astig Gizelle, may pangalan na ang iyong services, Ks. i like it! π nainspire ako, kami din ng officemate ko may binabalak na kakaiba π
galing naman! at ang ku cute ng mga bata!
kakatanggap ko lang din ng mga school pictures ni ninay (hence yung grad pic niya), pero ako naman sulit sa akin si mamang photographer, kasi lagi kong kinukuha yung buong set kahit na hindi maganda ang kuha ng anak ko (baka kasi ipamigay nila kung kani-kanino. o ha stage mother na, phobic pa. haha!)
ganda ng mga pics, at ganda din ng mga models mo. π next time sa iyo kami magpapa-picture at baka ngumiti naman ang anak ko sa pic. π
namimiss ko na magpaclass picture! π
eto naman po ung akin π
nang matapos na
HAPPY LP π
Ganyan ang sinasabi kong dapat bilhin ng mga magulang. Magandang mga kuha. Sobrang walang dating na kasi yung ibang kuha ng photographers. Galing!
ang galing mo talagaβ¦. and gaganda ng kuha.
Ang ganda ng mga bata π Iba talaga kapag may anak ang kumukuha.
nakakatuwang pagmasdan ang mga bata, maganda ang kuha mo ng kanilang larawan π
wow, official photographer ka na ate! π ang gaganda ng kuha ^_^
wow naman ang gaganda ng mga kuha mo..galeng galeng!
http://www.thesilentprincess.com/?p=362
i love them, the portraits are gorgeous! kuhang kuha mo agad ang personality ng mga bata.
sana sa iyo ko rin papakuhanan ng larawan ang mga anak koβ¦
wow! ang galing nga ng pagkakakuha ng mga larawan. Ang gaganda rin ng mga bata. Salamat sa pagbisita π
Ay sister, ang ganda ng mga larawan mo! Ibang level ka na!
Natawa naman ako sa puto hahaha