Ganito sila noong nagsimula ang tagsibol, ganito naman ngayong malapit ng magsimula ang tag-araw.
Paborito ko talaga ang mga bulaklak na ito, lagi kong inaabangan ang kanilang pagtubo. Araw-araw ito ang tumatambad sa akin kapag naglalakad papunta sa eskwelahan ng mga bata. Tahimik sa lugar na ito, mangilan-ngilan lang ang naglalakad sa tuwing ako ay nagkukuha ng litrato kaya naman hindi ako nahihiyang maglabas ng camera. 😀
Ang mga puno ng cherry na ito ay hindi namumunga, gaya nga ng naisulat ko noon, ang tanging silbi nila ay ang magpaganda so no need mamunga. 😉
Malamang ay ito na ang huling beses na makakapaglitrato ako sa mga sakura dahil umuulan na at kahapon nga dinaanan pa ng lawn mower ang mga bulaklak na nahulog sa damuhan…mabuti na lang kaninang umaga ay may mga nalaglag na uli, siyempre pa me pagkakataon na naman para magkuha…eto nga ang isa.
Marami pang ibang bulaklak doon sa kalsada, tamang tawaging “kalsada ng sanlibong bulaklak.” Mayroon ding mga puno na hindi ko kilala kaya naman nagulat ako ng nilapitan ko kanina, ang mga bulaklak na ito ay sinlaki ng kuko kaya hindi ko napansin agad ang kanilang ganda. Mukha silang maliliit na rosas hindi ba? Hindi ko alam kung ano ang punong ito, ikakatuwa ko pong malaman mula sa inyo.
Eto naman ay crab apple blossoms. Sa unang tingin ay kamukha din sila ng mga plum blossoms at ng isang uri ng cherry blossoms, ang pinagkaiba lang ay ang matingkad na kulay rosa. Itinanong ko sa isang matandang nagdadaan kung ano ito at sinabi nga nya na isang uri ng mansanas ang puno. Sa malayo ay hindi kaagad mapapansin ang mga bulaklak nito dahil nga masyadong matingkad ang kulay ay masakit sa mata, sa malapitan naman ay maganda pala.
Siyempre pa hindi pahuhuli ang mga tulips…lila at puti lamang ang nagkaroon ako ng pagkakataong makuhanan…sayang andami pa naman sanang ibang kulay…kung hindi lang ako allergic sa pollen at ibang puno araw-araw akong lalabas para mag-litrato…haays ironic naman, gustong gusto ko ang mga bulaklak pero dahil sa kanila kaya 3 linggo na kaming may sakit.
Hindi ko na ipopost iyong mga litrato ng mga bata na namumutpot ng bulaklak, pakitingnan na lang sa ibabang post, salamat po!
Anyway, happy LP po sa inyong lahat!
Ganyan din ako, sa paglalakad papuntang eskwela ng bata o sa pagpasok sa opisina, mga bulaklak ang nakikita at talagang walang puknat na piktyuran. Kaya talagang hindi ko mahihinto ang paglalakad 🙂
Yung crab apple pala ang tawag diyan, dami na rin dito ngayon. 🙂
Ang ganda ng mga kuha mo! ganda ng anggulo!
ito namang ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/05/lp-bulaklak.html
magandang araw ka-LP!
Hay, sandali lang namulaklak dito ang tapos kaagad, hanggang tatlong linggo lang!
Ganda ang kulay na rosas (pink, tama ba?)
ang ganda ng mga bulaklak. gusto kong humiga duon sa mga bulaklak na nasa damo na. at ang ganda ng iyong bokeh 🙂
G, dahil sa mga cherry blossom pics mo, pangarap ko na talaga na makakita ng puno na ‘to sa totoong buhay. Mag-japayuki kaya ako? LOL
love your bokeh shots–bakit ba hindi ko kaya ito?!
these are beautiful spring blooms! i wish i also have a chance to take photos like this. i love the colors. so sweet. 🙂
happy LP!
huwaaw…ang ganda ng mga litrato mo. siguradong hihigaan ko iyong unang litrato. maligayang LP!
Tita G, ayos lahat ng shots! paborito ko ay yung pinakauna sa kaliwa, ang ganda ng composition, ang tagal kong napatitig!
Ang ganda super ng mga photos, G! I wanna be there hehe!